Abante Tonite
Mabilis sa Balita

JM may namumuong romansa sa ex ni Joem

0 82

Pagkatapos ng seryosong relasyon kay Jessy Mendiola noon, wala nang girl na na-link kay JM de Guzman.

Bagamat kontrobersyal ang naging relasyon nila ni Barbie Imperial, natapos din agad.

Natsismis din siya sa friends niyang sina Ria Atayde at Arci Munoz, pero wala namang romansang naganap.

Ngayon naman, iniintriga siya sa vlogger na si Crisha Uy, ang ex ni Joem Bascon.

Lately kasi, trending ang video nila habang sinamahan niya si Crisha na mag-training ng jujitsu.

Huli rin sila sa kanilang sweet and unguarded moments sa nasabing video.

Naging palaisipan tuloy sa mga netizen kung may namumuong pagtitinginan sa dalawa na parehas namang single sa kasalukuyan.

Marami rin ang kinilig sa TikTok video na ibinahagi ni Crisha kung saan tila namumungay ang mga mata ni JM at kinikilig sa vlogger habang katabi ito.

Sa dulong bahagi ng video, kapansin-pansin din ang paglapit ng mukha ni JM kay Crisha na agad naputol kung saan marami ang naintriga kung hinalikan ba ng una ang huli.

Bukas ang pahinang ito kina JM at Crisha para sa ikalilinaw ng isyu.

Maureen inookray na echoserang frog

Inookray ang Miss Universe Philippines 2021 candidate na si Maureen Wroblewitz dahil umano sa pagsisinungaling niya sa isang panayam .Sinabi niya noon na hindi pa siya sure kung sasali siya sa nasabing patimpalak pangkagandahan.

SM food to go Banner Ad

Aniya, kung sakali mang join siya rito, feel niya ay kailangan pa niya itong paghandaan.

Kaya naman, marami ang nasorpresa nang malamang pasok na pala siya sa listahan ng top 100 MUP 2021 candidates.

Paliwanag naman ni Maureen, she needed to tell a ‘white lie’ dahil ayaw niyang pangunahan o mapreempt ang pag-aanunsyo ng pageant organizers.

Hirit naman ng kibitzers, kahit pa ‘white lie’, masasabing pagsisinungaling pa rin ito o pangi-etchos.

Puwede raw naman nitong sabihin safely na ang organizer na ang magsalita on her behalf or politely decline to answer the said question in a way na hindi niya kakainin ang kanyang mga salita.

Kahit pa inihingi na niya ng paumanhin ang kanyang ‘white lie’ sa kanyang Instagram account, it did not sit well with some beaucon aficionados.

Tulad nga ng payo ng karamihang beauty queens sa aspiring candidates, madalas na ina-advise nila sa would be aspirants ang pagiging kahalagahan ng pagiging natural at totoo sa sarili.

Kung sakaling papasok siya sa top 30 na maglalaban-laban sa coronation night come September 2021, haraniwaý hindi rin naman siya mangi-etchos sa question and answer portion.

Si Maureen ay nakilala bilang grand winner sa Asia’s Next Top Model Cycle 5 noong 2017.

Naging co-host din siya sa Eat Bulaga for a while.

Kasalukuyang karelasyon ni Maureen ang singer na si JK Labajo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.