Abante Tonite Interactive

JM naimpeksyon ang lalamunan

No-show sa ‘Himig Handog 2018’

569

Successful ang ginanap na Himig Handog 2018 sa ASAP. Talagang deser­ving ang mga winner.

Kabilang sa mga nagwagi ay BEST SONG: ‘Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong’, Composer: Kyle Raphael Borbon, Interpreter: JM de Guzman/Jason Dy; 2ND BEST SONG: ‘Wakasan’, Composer: Philip Arvin Jarilla, Interpreter: Agsunta; 3RD BEST SONG: ‘Kababata’, Composer: John Michael Edixon, Interpreter: Kyla and Kritiko; 4TH BEST SONG: ‘Mas Mabuti Pa’, Composer: Mhonver Lopez and Joanna Concepcion, Interpreter: Janine Berdin; 5TH BEST SONG:
‘Tinatapos Ko Na’, Composer: Sarah Jane Gandia, Interpreter: Jona.

Samantala, marami ang nagtataka kung bakit wala si JM sa Himig Handog. Hindi umano nakadalo ang aktor sa grand finals dahil mayroon itong throat infection.

Abante Hiring – IT dep

Kaya naman ang kumanta sa Grand Finals ay si Jason Dy. Isang linggo nga lang inaral ng singer ang kanta at talagang bongga ang pagkakaawit niya.