Abante Tonite Interactive

JM nakipagbalikan kay Barbie

659

Ni: Ronaline Avecilla

Matatandaang na-link si JM De Guzman kay Ria Atayde. Ito’y matapos ang isyu sa hiwala­yan nila ng dating katambal na si Barbie Imperial.

Nilinaw naman ni JM na hindi­ umano niya nililigawan si Ria. Sadyang­ malapit lang sila sa isa’t isa at alam nila na trabaho ang priority nila.

Anyway, muling makakapiling si JM sa panibagong teleserye na “Pamil­ya Ko”. Makakasama niya si Sylvia Sanchez, ina ni Ria.

Ayon sa aktor, matagal na niyang kilala ang mag-iinang Sylvia Sanchez, Arjo at Ria Atayde. May mga panahon na bumibisita umano si JM kasama ang iba pang barkada sa tahanan nila Ria.

Right now, walang plano si JM na pumasok sa isang relasyon lalo na at isang taon pa lang ang nakakalipas­ nang mabigo sa relasyon nila ni Barbie.­

Pero how true ang tsika na may balikan blues na sa dalawa?

Paliwanag ni JM ready na siyang makipagbalikan kay Barbie bilang ka-partner sa trabaho.

Aniya pa, kapwa sumusunod lamang sila sa dikta ng management.

Kung sakali man na magkaroon sila ng proyekto together, wala namang problema sa aktor. Keri rin na mag-usap sila ni Barbie sa mga naging problema nila matapos ang hidwaan.

Pero sa ngayon ay wala umano silang komunikasyon ng aktres.