Abante Tonite Interactive

JM pinagsabay sina Ria, Barbie?

614

Happy si Barbie Imperial para sa dating minahal na si JM de Guzman at sa bagong nali-link ngayon sa aktor na si Ria Atayde.

“Honestly po, na-meet ko na rin si ate Ria. For me, may time na ako mismo ang nagsabi kay Em (tawag niya kay JM) na to stop talking to me na. Sabi ko, ‘kilala ko si ate Ria, mabait na tao ‘yun.’ Ako, happy ako for them,” pahayag ni Barbie kahapon sa mediacon ng pelikulang “Finding You.”

Dagdag pa ng young actress, bukod sa mabait si Ria ay magkalapit pa ang age nito kay JM.

“So, mas maiintindihan nila ang isa’t isa. Minsan, nakikita ko naman, parang ang nababalita sa amin, okay naman sila. And ‘yun nga, happy ako for them, lalo for him.

“Kung okay man sila ngayon, finally, nahanap na niya. Hindi rin ako selfish. ‘Yun din ang reason kung bakit nag-let go ako, na kailangan ko nang mag-let go kasi minahal ko rin naman ‘yung tao and ayokong mangyari sa kanya ‘yung mga nagawa niya.

“Kasi si Em, ‘pag love sa kanya, iba. Eh mahal ko siya, siyempre, ayoko na kung ano ang gawin niya, ‘di ba?” pahayag pa ni Barbie.

When asked kung hindi ba nagkaroon ng overlap sa kanila ni Ria, hindi makasagot si Barbie at natawa na lang. Parang naintindihan naman ito ng press kaya hindi na siya kinulit pa.

Matatandaang inamin naman nila pareho sa “Tonight With Boy Abunda” na nag-date sila although mariin naman nilang itinatanggi na naging sila. It could also be recalled na nagkasama sila sa ser­yeng “Araw Gabi” at dito nga sila nagsimulang maging close at ma-develop sa isa’t isa.

Samantala, happy si Barbie na nakasama siya sa pelikulang “Finding You” with Jerome Ponce and Jane Oineza. Ito raw kasi ang first movie niya kung saan ay marami siyang dialogue. Sa mga past movies daw kasi niya ay dinadaanan lang siya ng camera.

Showing na sa May 29 ang “Finding You” mula sa direksyon ni Easy Ferrer under Regal Entertainment. (Vinia Vivar)