Abante Tonite Interactive

JM protektado si Ria

458

Magsimula nang ma-link ang Kapamilya actor na si JM de Guzman sa kaibigan na si Ria Atayde, naging ilag siya sa mga katanungang ibinibigay sa kanya.

Matipid ang kanyang pagsagot sa mga tanong na may kinalaman sa aktres. Ang dahilan ng aktor, nais umano niyang protektahan si Ria dahil espesyal ito sa kanya.

Masakit sa kanya na makitang nasasaktan si Ria sa mga bash na natatanggap nito dahil sa pagkaka-link sa kanya.

Nilinaw naman ni JM na walang lEbel o walang relasyon na namamagitan sa kanila. Para sa aktor, kaibigan niya si Ria at mahal niya ang mga kaibigan niya.

Related Posts

Gayunpaman, bukas naman ang aktor sa posibilidad na i-level up ang friendship nila ni Ria. Lalo na at sinabi niya kamakailan na puwede ring maging sila dahil doon na rin umano papunta ang status nila.

Pero sa ngayon ay hindi pa umano siya buo para pumasok kaagad sa relasyon.

Mataas din kasi ang respeto niya sa ina ni Ria na si Sylvia Sanchez na makakasama niya sa bagong teleserye.

(Ronaline Avecilla)