Abante Tonite Interactive

JM sinagip ng Dos sa kumunoy

885

Isa sa nakita naming pinaka-touching message of support sa ABS-CBN franchise renewal ay ang Kapamilya actor na si JM de Guzman.

Hindi naman kaila sa atin ang pinagdaanang bagyo at unos ni JM nang ilang beses siyang malulong sa droga at umalis sa showbiz. At sa tuwina’y laging nandiyan ang ABS-CBN sa kanya para sumugal sa kanya at bigyan siya ng pagkakataon.

Kaya naman sa kanyang post ay ina-acknow­ledge naman ito ni JM at labis na pinagpapasa­lamat.

“I lost my sanity bec. of drugs. ABS CBN gave me hope. The government helped me to change.

“Chances. abs cbn gave me a chance to start a new life..

“Now im here with the chance given to prove that we can all make bad choi­ces, and..we can change. we can inspire sa paraan ng pag express. sa sining.

“We as artists try our very best to use our dark past to be better to tell stories and inspire others na andun pa sa kumunoy. and abs was there to help me to help others,” ang post ni JM.

Kasama ng statement niyang ito ang short clip ng lumang balita sa kanya kung saan ay nakunan siyang payat na payat siya at sumusuntok sa ere. Tila that time ay kasagsagan ng kanyang pagkalulong sa droga at hindi na alam ang ginagawa.

And now, look at where JM is now, a changed man at tinatamasa pa rin ang tagumpay bilang isang mahusay na aktor at ito ay dahil nga binigyan siya ng pagkakataon ng ABS-CBN na kung hindi ginawa ng network, we wonder kung nasaan na kaya ang aktor ngayon.

Julia ‘di nabahuan sa hininga ni Tony

Aminado si Tony Labrusca na importante talaga sa kanya kapag may kissing scene siya ay mabango ang kanyang hininga. Kaya naman he makes sure na before the scene ay talagang preparado siya at walang amoy ang kanyang breath.

“Aside from what the director wants, I always asks them (lea­ding ladies), ‘hey, is that okay?’ and ‘yon nga, ‘my breath doesn’t smell, does it?’” kuwento ni Tony sa presscon ng I Am U, ang iWant series na pinagsasamahan nila ni Julia Barretto.

Kaya naman natanong si Julia kung mabango nga ba talaga ang hininga ni Tony.

“Sa akin n’yo talaga. ..(itatanong), it’s not my branding,” natatawang sagot ni Julia.

“Wala namang problema sa breath ni Tony Labrusca,” dagdag ng aktres.

Pero aminado naman si Tony na kinabahan siya sa kissing scene with Julia lalo pa nga’t second day nila ay intimate scene na agad ang kinunan. Mukha raw kasing game na game ang aktres kaya kailangan niyang ipakita na alam din niya ang kanyang ginagawa.

Nilinaw naman niya na game na game sa trabaho si Julia at hindi lang sa halikan.

“I have to say, it was really fun working with Julia in this project,” sey ni Tony.

Jake happy na wala sa politika si Erap

Aminado si Jake Ejercito na mas gusto niya nga­yong wala na sa politika ang amang si former Manila Mayor Joseph Estrada.

“I think, ano na, eh, he’s given so much na rin of himself, of his time (sa politics). And para ma-enjoy niya na rin ang mga apo niya, ang dami niyang maliliit na apo ngayon,” sey ni Jake.

Ngayon daw ay may time na ang kanyang ama sa family at nagpo-focus din daw ito sa mga negosyo nila.

“Masaya naman kami na we have more time na with him,” sey pa niya.

Kumusta naman ang relasyon ng ama niya sa anak niyang si Ellie?
“Very close, very close. Nagbibiruan, naglolokohan, nakakatuwa,” sabi ni Jake.

Sila naman ni Ellie ay okay na okay rin ang relasyon bilang mag-ama at okay rin siya sa set-up nila now na nakikita niya ito every other week. Thankful din siya sa ina nitong si Andi Eigenmann na hinahayaan siyang ma-bonding ang kanilang anak.

“Matagal na pong ganu’n ang set-up, more than a year. So, maayos naman po ang set-up, very smooth,” he said.

Mga five days din daw niyang nakakasama si Ellie kapag nasa kanya and he makes it a point na talagang quality time ang ibinibigay niya sa anak.