Abante Tonite Interactive

JM tinadhanang maging single

616

By Ronaline A­vecilla

Lumalagablab man ang karera ng Kapamilya actor na si JM De Guzman, wala pa sa plano niya ang pumuso. Nais muna ng aktor na ituon ang sarili sa pagtatrabaho.

Gustuhin man umano niya ang pumasok sa isang relasyon ay mukhang hindi umaayon ang tadhana.

“For now siguro kailangan ko muna i-focus ko do’n sa bles-sings and opportunities kasi siyempre my family needs me too and my future family too kasi I want also to be a father someday too, it’s my dream and goal. I want to prepare for that, I want to secure them.”

Matatandaan na ang huling nakarelasyon niya ay kanyang ka-love team na si Barbie Imperial. Hindi naging maganda ang hiwalayan ng dalawa.
Paliwanag pa nga ni Barbie, hindi umano gagana ang relasyon kung pareho kayong wasak at hindi buo para sa isa’t isa.

Kaya naman sa ngayon ay mas pinipili ni JM ang maging single.

Isiniwalat rin kasi niya na bago siya lumabas sa rehab, may nagpayo sa kania na huwag munang pumasok sa isang relasyon sa loob ng dalawang taon.

Buuin muna ang sarili at ibalik ang da-ting lifestyle.