Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jm ‘Tinamaan ‘kay Yam

0 209

ROMMEL.PLACENTE:Magkasama sa seryeng ‘Init Sa Magdamag’ sina JM de Guzman at Yam Concepcion.Gumaganap sila rito bilang mag-asawa.At dahil laging nagkikita sa taping ng kanilang serye,hindi kaya nadi-develop na ang una sa huli mga ka-Cuatros? Sa Instagram account kasi ni JM, nag-post siya rito ang eksena nila ni Yam sa nasabing serye na kinakantahan niya ito. Ang title ng song ay O Rita, na siya mismo ang sumulat. At nilagay niya rin doon ang lyrics ng song. Bahagi nito ay,”Sa pag-ibig mo ako’y umaasa.Gagawin lahat para sayo.Ang sarap mong mahalin,’. O di ba,parang nagpapahiwatig si JM kay Yam? Parang tinototoo niya yung eksena nila. Pero kung sakaling may nararamdaman na nga si JM kay Yam ay sikilin niya na lang sana yun.May boyfriend na kasi ang aktres na si Miguel Cuunjieng na naka base sa ibang bansa. At anim na taon nang tumatakbo ang kanilang relasyon.Pero coincidence na magkapangalan sila ni JM. Ang tunay niyang pangalan naJuan Miguel.

RODEL FERNANDO: Kung papanoorin mo nga ang mga maaalab nilang eksena sa kanilang teleserye ay puwede ngang tamaan ang dalawa kaya lang nga di puwede pumunta sa isang malalim na pagsasamahan dahil nga may boyfriend si Yam.
Kahit sabihan pa na parang tinototoo ni JM ang mga maiinit nilang eksena ay hanggang doon na lamang iyun. Tiis-tiis muna siya hangga’t wala pang bumubuhay ng kanyang dugo at nagpapasaya sa kanyang buhay. At sana maging masuwerte na siya sa lovelife . Sa mga past relationship kasi ng aktor ay hindi naging maganda ang mga kinahinatnan ng mga ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

MILDRED BACUD: Agree ako ka- Cuatros na imposible talagang magkainlaban sina JM at Yam dahil may karelasyon nga ang huli. Hindi biro ang 6 years ha at ang relasyon na papunta sa 7 years ay either magpapakasal na o maghihiwalay. Sa mga post ni Yam with his bf parang dun na rin sila papunta sa pagpapakasal. Nasa marrying age na rin naman sila. Unless ma-develop talaga ng husto ang dalawa at kayanin ng aktres i-give up ang relasyon niya. Kung sa bagay sina Marian Rivera at Dingdong Dantes nga nagkadevelopan dahil sa madalas na pagkakapareha sa serye, puwede rin naman sina JM at Yam.

ROLDAN CASTRO: Sa true lang, may chemistry sina Yam at JM. Bagay sila pag magkasama sa mga eksena nila sa serye.Pero di naman available ang aktres.
Tama lang na bumawi sa work si JM.Saka na lang siya mag-focus sa relasyon ‘pag buong-buo na siya ulit.
Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.