Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo ‘di aapurahin pagbalik sa SMB

0 331

Apektado si June Mar Fajardo sa pagkamatay ng inang si Marites, 52, noong nakaraan linggo.

“Talagang malalim relation nila,” anang coach ni Fajardo sa San Miguel Beer na si Leo Austria Huwebes. “Lahat ng ginagawa ni June Mar para sa family niya.”

Hindi pa masabi ni Austria kung makakasama na agad sa team ang six-time MVP sakaling matuloy ang PBA Philippine Cup sa Pampanga.

Hindi matatawaran ang professionalism ng Cebuano, pero maiintindihan ng SMB kung humiling siya ng ilang panahon pang makabawi.

“Once he does join us and play, doon natin makikita kung either affected pa rin siya or ma-i-inspire pa lalo siyang maglaro, for his mother,” dagdag ng nine-time champion coach.

Ilang araw na tahimik si Fajardo, bago nagsalita sa social media.

“Mama, I miss you now and will miss you forever! I love you to infinity and beyond. Rest in peace Mama!” bahagi ng kanyang post.

Pagkatapos nu’n, wala na namang narinig sa 6-foot-10 center. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.