Abante Tonite Interactive

Jo Berry ‘di pinatulog ni Nora

By
606

tonite-imo-vinia-vivar“Small but terrible” ang tawag sa bagong Kapuso star na si Jo Berry na bida sa teleseryeng ‘Onanay’ ng GMA-7. Tinatawag din siyang ‘little person’ because of her height (3 feet).

Jo is now 24 years old at bunso sa apat na magkakapatid. Normal ang height ng kanyang ina at dalawang­ kapatid. Ang ama niya na may dwarfism ay President ng Little People Association of the Philippines.

Sa kabila ng pagiging “little person” ni Jo, naka-graduate siya ng Computer Science at consistent honor student.

Pagkatapos mapanood ni Jo sa ‘Magpakailanman’ noong 2016, ngayon ay bida na siya sa sariling tele­serye and take note, kasama niya rito ang malalaking artista tulad nina Superstar Nora Aunor and Cherie Gil na hanggang ngayon ay hindi niya mapaniwalaang mangyayari.

When asked kung ano ang unang naging­ reaksyon niya nang malamang makakasama ang Superstar, aniya, ay kinabahan siya.
“Siyempre, kabado­ talaga ako kasi, sabi ko, “parang seryoso ba sila? Sa akin nila ibibigay tapos­ ‘yun ‘yung mga makakatrabaho ko?” Wala naman po akong experience­ with acting, eh, so sobrang blessed po ako and thankful sa GMA, sa mga bosses na ako ‘yung pinili nila for the role of Onay at nakatrabaho ko pa si Nanay Nora.”

Inamin din ni Jo na talagang hindi siya nakatulog nang malaman niyang makakasama niya si ate Guy at iba pang malalaking artista. At sa tuwing may malalaking eksena raw siya na kukunan. talagang hindi raw siya nakakatulog sa gabi sa sobrang kaba at excitement.

Bukas (Monday, Aug. 6) na magsisimula ang Onanay pagkatapos ng ‘Victor Magtanggol’.()