Abante Tonite Interactive

Jo Jung Suk at Gummy pakakasal na

By
2,698

Breaking news ngayon sa South Korea ang balitang magpapakasal na ang longtime couple na sina Jo Jung Suk at Gummy. Ang unang naglabas ng report na ito ay ang media outlet na Ilgan Sports. Ang sigurado, ngayong fall na pinaplanong magpakasal ng dalawa, pero wala pa lang daw eksaktong date.

Hinihintay pa nila ang pormal na paghaharap ng dalawang pamilya. Sa Pilipinas, siguradong ‘pamamanhikan’ ang tawag dito.

Si Jo Jung Suk (36) ay isang South Korean actor na nagsimula sa theater. Marami rin siyang nagawang musical plays. Sa television show na ‘Architecture 101’ siya na­bigyan ng Best New Actor award at sa K-drama na ‘The King 2 Hearts’ noong 2012. Last year, si Jung Suk ang bida sa MBC’s ‘Two Cops’.

Bago ikasal kay Gummy, ginawa naman ni Jung Suk ngayong taong ito ang dalawang Korean movie, ang ‘Hit and Run Unit’ at ‘Exit’.

Si Gummy (36) naman ay isa sa mga kila­lang award winning singer sa South Korea o si Park Ji-yeon sa tunay na buhay.

Ilan sa mga kanta niya ay sikat na OST ng mga K-drama kabilang na ang OST ng Descendants of the Sun na ‘You’re My Everything’ na nag-top i-tunes k-pop charts sa iba’t ibang bansa. Nasundan pa ito ng OST naman ng isa pang sikat na K-drama na Love in the Moonlight kaya naman tinagurian na siyang OST Queen.

Somehow, marami na rin ang nag-a-anticipate ng kasalan sa pagitan nina Jung Suk at Gummy. Noong 2013 pa sila nagdi-date at lumantad sa publiko nu’ng 2015.

Ayon kay Jung Suk nang matanong tungkol sa kasal, “We plan on marrying sometime in the fall. We have not yet held a formal meeting between our families or decided on a venue and things like that as I am in the middle of filming the movie ‘Hit-and-Run.’ We will love each other and live happily toge­ther married.”

Ang representative naman ni Gummy sa kanyang agency, ang C-JeS Entertainment ang nagkumpirma ng balita. Ayon dito, “It is true that Jo Jung Suk and Gummy are planning to wed the latter half of this year. However, an exact date has not yet been decided and the wedding will be a private ceremony. We ask for your warm support and blessings for these two people’s future.”