Abante Tonite Interactive

Jo Koy feeling VIP, kinuyog

667

Marami ang hindi natuwa sa Fil-Am comedian na si Jo Koy sa pinost nitong video.

Dito, makikitang ine-escort-an siya ng mga pulis na ala-VIP.

Proud pa nitong sinabi na nakarating siya nang walang kahirap-hirap sa kanyang destinasyon, at sa mabilis na paraan pa.

“Cebu Police escort cuts a 2 hour drive to my hotel into 15 minutes. I love the Philippines!” tweet ni Jo Koy.

Hindi naman natuwa ang mga netizen na tila ba nabigyan ng special treatment si Jo Koy. Ilan kasi sa kanila ay nakaka-relate sa hirap ng bigat ng trapik sa bansa.

“Hindi ka pa nga sikat nag yayabang ka na!”

“Wang Wang escort is not cool.”

Nasa bansa ang comedian para sa promotion nito ng ilang shows sa Pilipinas. (Jun Lopez)