Abante Tonite Interactive

Jo Min Ki inireklamo ng sexual harassment

By
4,436

IBA’T ibang kaso at reklamo ang hinaharap ng South Korean actor at professor sa isang university na si Jo Min Ki sa isyung sexual harassment.

Nagsimula sa mga estudyante ang reklamo. Si Jo Min Ki ay nagtuturo rin sa Cheong­ju University kunsaan, nagtuturo siya simula pa noong 2010. Lumantad at nagreklamo sa management ng eskuwelahan ang mga estudyanteng diumano’y na-sexual harassed niya.

Nandiyang hinihipuan, niyayakap at hinahalikan daw nito ang ilang estudyante. Meron din na nagsabing dinadala raw sila sa inuupahang apartment nito malapit sa university at doon ginagawa ng actor/professor ang diumano’y panghahalay nito sa mga estudyante niya.

Dahil dito, gumawa ng imbestigasyon ang unibersidad pero ­mariing itinanggi ni Jo Min Ki ang mga alegasyon sa kanya. Nag-tender ito ng resignation na tinanggap naman ng eskuwelahan.

Pero naging dahilan naman ang naging reklamo ng mga estud­yante kaya tila lumakas din ang loob ng isang aktres, si Song Ha Neul, at sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, isinalaysay niya ang hindi magandang naging karanasan kay Jo Min Ki na naging professor rin niya.

Mahaba ang na­ging testimony niya at doon niya isiniwalat kung paano ito nag-iwan ng matinding takot sa kanya at kung bakit nga­yon, isa siya sa naglakas ng loob na magsalita.

Bahagi ng testimony niya na lumabas sa www.soompi.com, “I am a rookie actress who recently debuted after graduating in theatre at Cheongju University. I tried to forget about the past, but after reading the official statement saying that Jo Min Ki feels wronged, I could no longer hold in my anger. The things that my friends and I, along with many other students, had endured for the past few years are not ‘victimless rumors’ nor ‘fabricated conspi­racy theories’.

Related Posts

“I am not a fool that can’t differentiate between encouragement and molestation. The things that my colleagues and I went through were clearly sexual harassment. I was so scared to come forward and I’m still scared right now, but if this controversy quiets down, there will be more victims who will live in fear like I do. That is why I am gathering the cou­rage to write this post.”
Nandiyang hinihipuan, pumatong sa ­ibabaw niya at pilit silang pinapatulog sa apartment nito at pinapatabi sa kama. Hinihipuan din sa ­dibdib.

Sabi pa niya, “Professor Jo Min Ki had so much power and no one could complain or report it. He was a ‘king’ on our campus because he was a celebrity and successful actor.”

Dahil sa napakarami nang reklamo at nitong February 27 ay pang-11 na ang lumantad at naghain ng reklamo laban sa aktor, umamin na rin si Jo Min Ki na ‘guilty’ sa mga ibinibintang sa kanya.

Sa artikulong lumabas sa allkpop.com lu­mabas ang pag-amin nito. Aniya, “Everything is my fault and my mistake. I deeply apologize to all the victims that were hurt because of me, and I will not avoid any legal and social res­ponsibilities that come with my mistakes.
“I also apologize once again of momentarily showing an embarassing side due to a sudden onslaught of times that was hard for me to handle.

“It is late, but I will let down everything. I will reflect on my ­actions for the rest of my life. I will pay back this debt of my heart through devotion and community service. I apologize once again and bow my head.”

At dahil din sa pangyayaring ito, nagdesisyon na ang kanyang management, ang Will Entertainment, na i-terminate na ang kontrata ng aktor sa kanila. Patuloy naman ang isinasagawa pang imbestigasyon sa sexual harassment case niya.

Si Jo Min Ki ay napakarami nang naga­wang drama at pelikula. Ang huling K-drama na nakasama siya ay ang Moon Lovers: ­Scarlet Heart Ryeo noong 2016. (Rose Garcia)