Abante Tonite Interactive

Joanna at Derek hindi na surpresa ang pagwawagi sa MMFF

By
2,296

MAAYOS na nairaos ang Gabi ng Parangal ng 43rd Metro Manila Film Festival na ginanap sa Kia Theater last Wednesday night. Tumugma ang hula ng karamihan na sina Derek Ramsay at Joanna Ampil ang magwawagi sa Best Actor at Best Actress category.

Ang surprise nu’ng gabing iyun ay ang paghakot ng maraming awards ng pelikulang Siargao. Itong pelikula nga ni Direk Paul Soriano ang mahigpit na nakalaban ng Ang Larawan (na napiling Best Picture). Pang-second ang Siargao at pang-third ang All of You.

Ang tatlong pelikula na nabanggit ang nakakuha ng mga technical awards. Best Screenplay ang All of You, Best Director, Cinematography at Editing naman sa Siargao at Best Production Design naman sa Ang La­rawan na ginawaran din ng Gatpuno Antonio Villegas Award.

Sa Acting category ay marami nga ang humulang maiuuwi ni Joanna Ampil ang Best Actress at kay Derek Ramsay naman ibibigay ang Best Actor trophy.

Sa Best Supporting Actress ay mahigpit daw ang laban nina Jasmine Curtis Smith ng Siargao at Dimples Romana ng Deadma Walking. Pero kay Jasmine ito ibinigay.

Si Edgar Allan Guzman naman ang piniling Best Supporting Actor na marami ang kumuwestiyon dahil pang-Best Actor daw ang bigat ng role at performance na ibinigay ng dating Mr. Pogi sa pelikulang Deadma Walking.

Haunted Forest bokya  sa award

SA walong pelikulang kalahok, ang Haunted Forest lang ng Regal Multimedia ang walang nakuhang award. Ang Gandarrapido: The Revenger Squad nga ay may nakuha pang People’s Choice Award na ang ibig sabihin nga siguro ito ang topgrosser.

How true na malaki raw ang agwat nito sa pangalawang topgrosser na Ang Panday ni Coco Martin?

Si Direk Joyce Bernal ang tumanggap ng award para sa Gandarrapido na tuwang-tuwa at nagtanong pa kung bakit ang pelikulang ito nina Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurztbach ang nagwagi sa naturang kategorya.

“Maraming salamat sa kung sino man ang nakaisip nito! Bakit po? Bakit po kami nanalo? Tanong lang,” hirit ni Direk Joyce.

Susan hindi sumipot sa Gabi ng Para­ngal dahil kay Coco Martin

SAYANG at wala si Coco Martin para tanggapin ang kaniyang FPJ Memorial Award at ang Special Jury Prize kasabay ng Posthumous Award na iginawad naman kay Nick Joaquin para sa Ang Larawan.

Ang ganda pa naman ng citation na ibinigay sa kaniya. Ang narinig pa naming kuwento roon, nag-confirm na raw si Susan Roces na siya sanang magbibigay ng FPJ Memorial Award, pero nagkontra abiso na raw ito nang nalamang hindi naman makakarating si Coco.

Masyado siguro napagod ang Kapamilya Primetime King sa kaiikot sa promo ng Ang Panday kaya hindi na ito nakasipot sa awards night.

Nakakapanghinayang lang na hindi gaanong napansin ng jury ang Deadma Walking na pinuri ng karamihan at nabigyan pa ng Grade A ng Cinema Evaluation Board.

Maaaring hahataw pa nang husto ang Siargao dahil nagpakita ito ng magandang performance sa box-office sa unang araw.