Abante Tonite Interactive

Job Hunting 101

0 305

Julius Segovia

julius-segoviaSa mga graduate, huwag nang dumagdag pa sa bilang ng mga tambay o ‘yung walang hanapbuhay.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority, 2.2 million ang bilang ng unemployed persons sa bansa. Bukod pa rito ang bilang ng mga underemployed o ‘yung mga may trabaho pero lihis sa kursong kanilang natapos.

Abante Hiring – IT dep

May available jobs naman, kailangan lang talagang dumiskarte at maging wais. Hindi puwedeng walang plano sa paghahanap ng trabaho. Una kasi sa lahat, dapat ma-impress sa’yo ang would-be employer mo.

Dapat pagtuunan ng pansin ng mga newly-grad ang paggawa ng kanilang resume o CV (curriculum vitae). Maging straight to the point. Puwede na ang isa hanggang dala­wang pahina.

Take note, busy persons ang mga boss. Hindi sila magbabasa ng nobelang resume. Ika nga, ‘the simpler, the better.’ Huwag mas­yadong maraming pa­labok. Sabihin agad ang gusto at kayang ibigay sa kompanya.

Dahil newly-grad ka, i-highlight ang mga achievement mo sa school. Maglagay ng formal picture. Huwag selfie photo na pinopost n’yo sa mga social media account.

Maglagay ng contact details sa resume. Bukod sa cellphone number, ilagay rin ang iyong email address. Hangga’t maaari, formal at professional na email address din ang gamitin. Huwag ang iyong alyas.

Bago i-email o ipasa nang personal ang iyong resume, huwag kali­mutang maglakip ng application o cover letter kung saan mo babanggitin ang iyong intensiyong mag-apply.

Ipasilip ang resume sa iyong kaibigan o kaanak para ma-double check. Iwasan at itama ang maling grammar at spelling. Sure ako, turn-off agad sa’yo ang would-be employer mo kapag may mali kang nailagay sa resume.

Ang sa akin lang, maging tapat at totoo rin sa mga impormasyong ilalagay sa resume. Mahirap magpanggap sa mga bagay na hindi mo naman alam dahil sa huli, tiyak akong madidiskubre rin nilang hindi ka pala ta­laga magaling. Kaya, be honest.