Abante Tonite Interactive

Jobert humingi ng tawad kay Nadine

1,079

Humingi ng tawad ang showbiz radio host na si Jobert Sucaldito matapos gisahin sa kanyang statement ang aktres na si Nadine Lustre.

Inulan ng pambabatikos at masasakit na salita mula sa mga netizen dahil sa kanyang on-air comment sa larawan ng aktres sa Instagram.

Aniya, “May nga nakalagay pang caption na parang gustong tumalon. Sana tumalon na lang kung ganoon din lang naman pala.”

Naging insensitive umano ang host sa binitawang salita, lalo na at tumataas ang suicidal rate sa bansa. Nag-trending pa sa Twitter ang hashtag na #SuicideIsNotAJokeJobert.

Naglabas din ng statement ang ABS-CBN hinggil sa kontrobersya.

Naglabas din ng statement of apology si Jobert on-air sa DZMM. Humingi siya ng tawad kay Nadine Lustre, sa kanyang radio network at sa mga taong naapektuhan sa kanyang komento.

Aniya, “I would like to apologize to Ms. Nadine Lustre and to those who got bothered by that sa aspetong ito. I am also apologizing to my radio network, DZMM, for putting them in discomfort because of this.” (Rona Ronda)