Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jobert patok ang online show

0 582

Dumadaan pa rin hanggang ngayon ang buong mundo sa isang matinding pagsubok dahil sa COVID-19 pandemic. Naapektuhan nito ang buhay ng tao pati na rin ang ekonomiya. Bumagsak ang stock market at turismo, maraming mga kumpanya rin ang nagsara, nawalan ng trabaho at mga hindi natuloy na projects lalo na sa mundo ng showbiz.

Naging mahirap sa atin nang itigil ang mga shows at events sa entertainment industry. At dito nagsimula ang “THE BASH WITH JOBERT SUCALDITO”at nagsimula noong September 30, 2020. Hatid niya sa online world ang pinakabago at pinaka-juicy na balita sa loob at labas ng Philippine showbiz.

Ang “The Bash with Jobert Sucaldito” ay isang oras na online showbiz magazine talkshow.Kasama niya ang vlogger, social media influencer at Kumu Artist na si Maine Nadaya.Ipinapalabas ito live sa Facebook at YouTube tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes simula 4 ng hapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang“The Bash” ay patok sa paghahatid ng maiinit na balita hindi lamang sa mundo ng showbiz kundi pati na rin ang kasalukuyang kaganapan sa ating bansa. Tulad na rin ng isyu ng ‘child car seat law’ na nilinaw ng Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Ms. Goddes Hope Libiran sa programa. Maging ang mga isyu tungkol sa face-to-face classes, vaccine, curfew at ang paglulunsad ng Bayanihan Act ay tinalakay din dito.

At siyempre, naging maugong na eklusibong phone-patch interview kay Lindsay de Vera hinggil sa isyu na binuntis umano ito ni Dingdong Dantes na pinick-up rin ng iba pang mga showbiz online portals sa programa. Gayundin, ang iba pang maiinit na isyu tungkol kina Ai Ai delas Alas, Aiko Melendez, Mocha Uson, at marami pang iba na naimbitahan na makapanayam sila sa programa.At may pa-bonus pang blind items na tiyak na magugustuhan ninyo.

Kaya,upang mauna sa pinakabagong chikaBASH, ugaliing panoorin ang“The BASH” at huwag kalimutang i-LIKE, FOLLOW and SUBSCRIBE ang kanilang official Facebook Page, Instagram at YouTube Channel! (RFC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.