Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jobless nabawasan sa pagluwag ng quarantine – Malacañang

0 190

Kumpiyansa ang Malacañang na makakabawi ang bansa sa problema ng unemployment sa sandaling magtuloy-tuloy na ang pagbubukas ng mga negosyo at trabaho sa bansa.

Kasunod ito ng naitalang 3.8 milyong Pinoy na wala pa ring trabaho dahil sa COVID-19 pandemya subalit mas mababa ito kumpara noong Hulyo na 4.6 milyon.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakatulong sa pagbaba ng unemployment ang unti-untng pagbubukas at pagluluwag sa mga quarantine protocol kaya nakakapasok na sa trabaho ang mga manggagawa.

“Kaya po bumaba ang numero ng mga walang trabaho ay dahil unti-unti po tayong nagbubukas. Sabi nga po ni Presidente, kaya naman po nating buksan ang ekonomiya basta pag-ingatan ang ating buhay para tayo lahat ay makapaghanapbuhay,” ani Roque.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.