Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jobless pasaway sa suicide hinawla

0 97

Samu’t saring kaso ang kinakaharap ngayon ng isang lalaking nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan nang pagtalon sa tulay at nang mabigo ay nagsaksak pa sa sarili sa Cubao, Quezon City, nitong Martes ng hapon.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Danilo P Macerin, kinasuhan ng alarm and scandal, paglabag sa City Ordinance 5121 at Resistance and Disobedience to Person in Authority ang 57-anyos na suspek, walang trabaho, ng Bagumbayan, QC.
Sa report, alas-4:30 ng hapon (December 22), ay nagkaroon ng tensyon at naalarma ang mga tao sa Aurora Boulevard sa kanto ng EDSA Southbound, Brgy. San Martin De Porres, Cubao, nang makita ang suspek sa taas ng tulay habang nagtatangkang tumalon.
Agad namang nagresponde ang mga operatiba ng Cubao Police Station (PS 7) sa pamumuno ni PMaj Jowilouie Bilaro, kasama ang Quezon City Fire District sa pangunguna ni SFO4 Diaz upang sagipin ito.

Matagumpay mang nasagip, mabilis naman nitong dinukot ang dalang kutsilyo na may habang 15 inches at pinagsasaksak ang sarili pero dahil sa mapurol ay nabigo itong maibaon sa katawan at di natuluyan.

Tikom naman ang bibig ng suspek sa dahilan ng tangkang pagpapakamatay. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.