Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jobless sa ABS-CBN sisihin Kongreso – Roque

0 836

Hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagdesisyon sa kapalaran ng ABS-CBN kundi ang Kongreso.

Sagot ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa pahayag ng ilang grupo na tila inabandona umano ng Pangulo ang pangako nito noong kampanya na uunahing mabigyan ng komportableng buhay ang mga maliliit na manggagawa.

“Desisyon po iyan ng Kongreso. The most the President can do is to remain neutral. Walang pabor, iyong tututol, iyong galit sa susuporta. Hinayaan po niya na bumoto sang-ayon sa kanilang konsensiya ang mga kongresista,” ani Roque.

Sinabi pa nito na maaari rin makatanggap ng tulong mula sa gobyerno ang mga manggagawa ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho.

Tinukoy nito ang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ayuda sa mga nawalan ng trabaho gayundin ang pautang ng Landbank of the Philippines para sa edukasyon ng mga anak ng manggagawa at ang Department of Trade and Industry na turuan ang mga nais magtayo ng maliit na negosyo para makapagsimula. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.