Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jobless sa COVID-19 pinakamatinding latay sa kasaysayan

0 510

Ang bilang ng mga bagong aplikasyon sa Estados Unidos para sa mga benepisyo sa kawalan ng trabaho ay nasa kabuuang 2.3 milyon sa nakaraang apat na buwan ay mas matindi kaysa sa iba pang panahon sa modernong kasaysayan.

Sa kabuuan, halos 33 milyong Amerikano ang nakakuha ng mga benepisyo na nawalan ng trabaho nitong Hunyo 20, halos limang beses sa kasagsagan sa panahon ng matinding krisis.

Ang katotohanan na ang mga bagong aplikasyon para sa walang trabaho ay nananatiling mataas dahil sa krisis sa coronavirus na mapanganib na sitwasyon sa ekonomiya at patuloy na parusa sa pinansyal ng maraming mga pamilya.

Bagaman gumaganda ang kalakaran sa mga nakaraang linggo, ang pagpalo ng coronavirus dahil sa hawaan sa buong bansa ay magdudulot ng kawalan ng mga hanapbuhay sa mga susunod na panahon.

Ayon sa datos ng Labor Department na inilabas nitong Huwebes, sa 16 na linggo nasa 2.3 milyon Amerikano ang nagharap ng bagong claims para sa benepisyo sa kawalan ng trabaho sa nakaraang linggo.

Kasama rito ang 1.3 milyong mga claim para sa traditional unemployment insurance at karagdagang 1 milyong bagong federal Pandemic Employment Assistance program para sa self-employed, freelancers at iba pang mga manggagawa sa pangkalahatan ay hindi karapat-dapat para sa mga karaniwang benepisyo ng estado.

Sa Pilipinas tinatayang papalo sa pitong milyong empleyado naman ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa patuloy na epektbo ng COVID-19.(Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.