Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jobless tinodas sa walwalan

0 97

Pinagbabaril hanggang mapatay ang 22-anyos na binata ng hindi pa nakilalang gunman habang masayang nakikipag-inuman sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Batay sa ulat ng pulisya, nakilala ang biktimang si Vincent Jay Valdez, walang trabaho, at residente ng Pipit Street, Brgy. Commonwealth. Sa imbestigasyon ni PMSg Julius Cesar Balbuena, nangyari ang insidente alas- 9:20 Miyerkoles ng gabi habang nakikipag-inuman ang biktima sa kaibigang si John Lloyd Encarnacion sa loob ng kanilang tahanan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Habang tumatagay ang biktima ay bigla na lamang pumasok ang suspek at sunod-sunod na pinaputukan si Valdez.

Nang matiyak na patay na ang pakay ay kaswal na naglakad lamang papatakas ang suspek. Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaril. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.