Abante Tonite Interactive

Jodi ‘asawa’ kung tawagin ni Jolo

By
2,223

NAKU! Hindi pa kami kasal!!” text sa amin ng Cavite Vice Governor Jolo Revilla nang tinanong namin tungkol sa isyung nagpakasal na raw sila ni Jodi Sta. Maria.

Pinik-up kasi ang post niya sa kanyang Instagram account na kung saan tinawag niyang ‘asawa’ ang Kapamilya actress.

Post ni Jolo sa kanyang IG account nung kamakalawa lang, “Ang ganda talaga ng asawa ko! Happy 81st month sa ating dalawa!”

Abante Hiring – IT dep

Buwan-buwan naman kasi ay sini-celebrate ni Jolo ang kanilang relasyon, pero tawagan lang daw nila ‘yung asawa.

Alam naman daw ng lahat kung bakit hindi pa puwedeng magpa­kasal. Kapag maayos na ang lahat, malamang na doon din naman ang kahahantungan nila.

Itinanggi rin ni Jolo na nagli-live in sila. Pero madalas nga raw ang pagkikita nila, at nakakatuwa raw dahil madalas din daw na ka-bonding ni Jodi ang anak niyang si Gab.

Minsan kasi pag inilalabas ni Jodi ang anak niyang si Thirdy, ka-join din si Gab na close na rin sa aktres.

Bukas ay magsisimula nang mag-shooting si Jolo sa pelikula niya sa Imus Productions.

Patapos na kasi ang episode ng kina Bryann at Luigi, at ngayon pa lang siya makakapagsimula dahil sa natagalan din sila sa pag-aayos ng script.
Suportado rin ni Jodi itong project ni Jolo na dinig namin ay maggi-guest daw ito.

Rakrakan Festival

MALAKING event nga­yong araw ang magaganap sa Aseana City sa Parañaque dahil sa Rakrakan Festival 2018: Pinoy Muna.

Ito ang taunang mala­king event ng mga rock artists na magpi-perform buong gabi.

Anim na stage na ima-mount na iba’t iba ang style ng mga rock artists na magpi-perform kagaya nina Ely Buendia, Gloc 9, bandang Mayonnaise, Moonstar 88, Brownman Revival at marami pa.

Sabi nga nila 120 artists, 6 stages in 1 big event. ‘Yan ang mangyayari ngayong araw na ito sa Aseana City. Kaya inaasahang dadagsain ito ng napakaraming tao.

Holiday ito sa mga rock artists dahil dito lang daw sila nagkikita-kita lahat at magkakasamang mag-perform.

Sabi nga ni Monty Macalino ng bandang Mayonnaise: “It’s always exciting for us sa grupo namin na makasama rito kasi parang affirmation na rin nang paghihirap at pagtugtog namin gabi-gabi na masama kami rito sa isang event gaya nitong Rakrakan Festival.

“Itong Rakrakan festival ay isa lang din sa mga paraan para ma-share namin ‘yung ta­lento namin. Wala ta­yong talo sa kanila. Hindi lang rock, kahit anong genre nandun.”

Dagdag na paha­yag naman ni Eunice Jorge ng bandang Gracenote: “It’s a great venue for every musician, for every band…para siyang reunion sa aming lahat kasi ang daming stages. It’s gonna be fun.”

Nung nakaraang taon ay nag-guest doon ang PNP Chief Gen. Bato dela Rosa. Ballad ang kinanta roon ni Bato, dahil open naman daw ito sa lahat na genre.
Mamaya kaya, sinong kilalang personality o politiko ang biglang aapir at makikisaya sa mga rakista?