Abante Tonite Interactive

Jodi at Jolo, aayusin ang ilang personal na isyu

By
41

NAGDUDUDA ka­ming may komunikasyon pa rin sina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria.

Hindi naman siguro sila nagkabalikan, pero napapangiti si Jolo kapag kinukumusta namin kung nanatiling friends ba sila ni Jodi.

Sabi lang niya sa amin, kailangan lang nilang magkausap. Hindi na niya ibinahagi sa amin kung ano ang dapat na pag-usapan. May ilang personal na isyu na kailangan nilang ayusin.

Abante Hiring – IT dep

Wala pa ba silang closure ni Jodi?

Ngiti lang ang sagot sa amin ng Vice Governor ng Cavite. Pagdating sa isyu nila ni Jodi, maingat siya sa mga sagot niya at ipinapakiusap sa aming huwag nang isulat ang kung ano mang mga pahayag kaugnay sa break-up.

Sinabi naman sa amin ni Jolo na hindi siya tuluyang nakapag-move on pero nagpapasalamat siya na naha-handle niya nang maayos ang hiwala­yan nila ni Jodi.

Bukod sa trabaho niya bilang Vice Governor ng Cavite, naisisingit ni Jolo na mag-workout kaya unti-unti na siyang pumapayat, at masaya siyang tingnan.

jolo-001Ready na ba siyang makipag-date sa iba at sa posibilidad na magkaroon ng girlfriend?

“Hindi pa. Ayoko muna,” mabilis na sagot niya.

Ang magandang resulta ng relasyon nila ni Jodi, lalo siyang naging madasalin at malapit sa Diyos.

Regular siyang nagba-Bible study at sumasama sa worship service sa Camp Crame kasama si Sen. Bong Revilla at buong pamilya.

***

Hindi na pinapansin ni Cong. Alfred Vargas ang ilang nagba-bash na hindi naniniwalang siya ang nasa video na nagbi-videoke si Sen. Leila de Lima.

Pagkatapos niyang maglabas ng statement para aminin na siya ang nasa video at hindi si Herbert ‘Amang’ Colangco, may ilang nagkomentong binayaran si Alfred para aminin iyun.

Sabi ng actor/poli­tician, siya talaga iyun at bakit niya aminin kung hindi naman siya?

“Ako talaga ‘yun,” natatawa niyang sagot sa amin.

Hindi na lang daw niya pinapansin.

“Hindi na ako nagbubukas sa social media para hindi ko na mabasa,” text pa niya uli sa amin.

Tama na raw na nagbigay siya ng paha­yag kaugnay sa pagkakadawit sa kanya sa isyung iyun at nagsa­sabi lang siya ng totoo.

Puspusan na rin ang pagpapayat ni Alfred dahil pinag-iisipan na niyang bumalik sa showbiz.

Kapag hindi siya ganu’n ka-busy sa Kongreso, gusto sana niyang makagawa ng isang drama series man lang.

Na-miss na rin niya ang pag-arte at bu­malik sa alaala niya nang napasali siya sa Encantadia nang ibinalik ito sa GMA Telebabad.

Kahit si Alfred ay todo rin sa pagpu-promote ng Encantadia sa Instagram nang magsimula ito kamakalawa nang gabi.