Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jodi ayaw patulan si Claudine

0 176

Dedma si Jodi Sta. Maria pagkatapos ng patutsada ni Claudine Barretto nang maging panauhin ito sa Abantelilling.

Feeling niya, binalewala siya ni Jodi dahil sa ginawa nito lalo pa’t itinuring niya itong isang kaibigan.

Anyway, iniintriga ang post ni Jodi na isang food for thought.

Hirit ng mga bitchy netizen, patama raw ito o sagot ni Jodi kay Claudine sa akusa ng huli sa una.

Aniya:”We only have so much time and energy. Are you focusing on the majors of life? Focusing on the things that matter is a good way to fight against the unnecessary noise and distraction. Tomorrow is never guaranteed. Make life worth living. Choose your battles. Laugh always. Love hard. Show compassion and appreciation. Be grateful. Travel to feed your soul. Pray often…What are your majors?”

Sey ng mga netizen, dedma ng lang daw ang aktres sa mga paratang sa kanya dahil gusto na lamang nitong piliin ang kanyang sariling mga giyera.

Andrea, may inilihim kay Derek

Hanggang ngayon, paboritong topic pa rin ng mga katkatera ang naging mga pahayag ni Derek Ramsay sa naging interview niya sa Mega Magazine.

Sinabi kasi ng hunk actor na ang ideal woman niya ay isang babaeng totoo sa kanyang sarili at walang pretensyon sa pagpapakita ng kanyang tunay na kulay sa simula pa lang.

“I want somebody who’s trustworthy, somebody who’s beautiful, patient, all of these things are a given,”aniya. “With that said, I just want somebody who’s truly comfortable with who they are. No best foot forward, you know, pakita mo na yung baho mo sa umpisa pa lang. That’s what I want,”dugtong niya.

Ayon pa sa kanya, guilty din siya sa aspetong ito dahil noong una, ay hindi rin siya umano naging transparent pagdating sa kanyang pakikipagrelasyon.

Gayunpaman, marami raw siyang natutunan sa kanyang mga karanasan sa kanyang babaeng nakarelasyon.

“And sometimes we’re all guilty of that. I’ve been guilty of it—that you find somebody interesting and you put up this front, and it’s not really who you are. I’ve been guilty of that quite a number of times, but not lately. I’ve learned that I shouldn’t do that because it’s just going to backfire,” ani Derek. “So I’m not afraid to show who I am. And that’s the attack that I had been giving in the past relationships and recent relationships that I’ve had,” dugtong ni Derek.

Dahil sa naging pahayag niya, ayaw naman siyang lubayang intrigahin ng intrimitidang netizens.

Kahit pa ipinagtatanggol niya noon ang ex na si Andrea Torres, nagtatanong ang sawsawera kung ano raw kaya ang itinago ng Kapuso actress sa kanya na naging dahilan umano ng kanilang paghihiwalay?

May nilihim daw kaya ang aktres kay Derek?

Charo na-depress nang pataubin ng GMA ang ABS-CBN

Maraming rebelasyong pinakawalan ang dating ABS-CBN president at award-winning actress na si Charo Santos-Concio sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa kanyang vlog na “Toni Talks.”

Aniya, hindi birong hirap ang pinagdaanan niya para patunayang kaya niyang hawakan ang posisyong kadalasang natotoka sa mga lalake.

Hindi rin niya malilimutan ang pagkakataong namenos siya ni FMG, dating presidente ng network nang sitahin ito kung ano ang ginagawa sa board room.

Gayunpaman, anumang pagmamaliit sa kanyang kakayahan ay naging hamon daw sa kanya para pagbutihin ang kanyang trabaho.

May mga pagkakataon daw na muntik na siyang sumuko dahil sa sobrang pressure sa kanyang trabaho.

Inamin din niyang na-depress siya noong talunin ng GMA-7 ang ABS-CBN sa ratings game pagkatapos na maging consistent sa No. 1 nito for several years.

Noong mag number 2 raw ito, doon daw nagkaroon siya ng agam-agam sa kanyang kakayahan at self-worth.

Sobra raw siyang na-depress at dahil doon ay sumailalim sa talk therapy sessions.

Nagpapasalamat naman si Charo na na-regain ng ABS-CBN ang number one spot nito kahit noong panahong nagretiro siya sa Dos.

Leave A Reply

Your email address will not be published.