Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jodi ‘di nagdamot sa BL movie

0 345

NI: VINIA VIVAR

Suportado ni Jodi Sta. Maria ang LGBTQ community at isa ito sa dahilan kung bakit siya na-convince na i-produce ang Boys Love-themed movie na The Boy Foretold by the Stars na official entry sa Metro Manila Film Festival 2020.

Ayon sa writer and direktor ng pelikula na si Dolly Dulu, hindi siya nahirapang i-convice si Jodi na mag-invest sa movie at unang kwento pa lang niya rito about the script ay na-excite na ito.

Kwento ni direk Dolly, Habang may break sa taping ng iWant mini-series na “My Single Lady ay nabanggit niya ang proyekto kay Jodi.

“Nagkukuwento lang ako kay Jodi sa tent… I think naka-relate siya sa situation ko. Kasi she really waited for a long time before where she is now,” ani direk Dolly.
Hindi na kinailangan kumbinsehin ni Dolly ang aktres. Pumayag agad ito at ang ibang bumubuo ng Clever Minds, Inc., na suportahan ang kanyang directorial debut.

“She wanted to help me realize my dreams. Hindi siya madamot. Kung kaya niya magbigay, magbibigay siya. She also wants to give jobs to other people and help the people in our industry,” sey ni Dolly.

Ang “The Boy Foretold By The Stars” ay tungkol sa namuong special friendship ng dalawang high school seniors na sina Luke (ginagampanan ni Keann) at Dominic (ginagampanan ni Adrian) sa tulong ng manghuhulang nagsabing magkakasama sila sa isang retreat.

Noong hindi natuloy ang summer filmfest kung saan unang nakalaan ang pelikula, akala ni Dolly iyon na ang wakas ng kanyang pangarap. Pero patuloy na pinalakas ni Jodi ang loob ni Dolly.

“Sabi niya (Jodi) sa akin, the pandemic is not a dead-end but a redirection to something greater.”
Nagkatotoo ang sinabi ni Jodi. Dahil nang isinumite ang “The Boy Foretold By The Stars” sa MMFF selection committee, napili ito bilang entry.

Para lalong maenganyo at dagdagan ang kilig ng masayang pelikula, nagpagawa ang mga bumubuo ng produksiyon na sina Jodi, Dolly, Clever Minds, Inc., The Dolly Collection at ang Brainstormers Lab, ng theme song kay composer Jhaye Cura (kompositor ng mga kanta sa “Bakwit Boys”) at arranger na TBear Music. Ang theme song na pinamagatang “Ulan” ay pinakanta nila kay Bugoy Drilon.

Panoorin ang “The Boy Foretold By The Stars” streaming worldwide sa upstream.ph simula December 25. Para mapanood, mag-log on sa upstream.ph/mmff to reserve. I-click ang “Pay” para makakuha ng ticket sa GMovies.ph, ang partner ticketing site. I-click “Create an Account” kung wala ka pang GMovies account. Simula December 25, pwede mong mapanood ang pelikula sa “My Shows” ng iyong GMovies account. (Vinia Vivar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.