Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jodi iniyakan ang pagpila ni Leni

0 59

NI: VINIA VIVAR

Puring-puri ni Jodi Sta. Maria ang humility ni Vice President Leni Robredo matapos mapabalitang pumila ito ng halos 2 oras bago makaboto.

Ipinost ni Jodi sa Twitter ang mga larawan ni VP Leni habang nakapila ito sa voting precinct sa Magarao, Camarines Sur.

“Nakakaiyak ang humility nya. Pumila. Naghintay. Walang special treatment,” caption ni Jodi.

In-encourage rin niya ang mga botante na huwag sukuan ang pagboto kahit mahaba ang pila at mainit.

SM food to go Banner Ad

Ipost din ni Jodi sa kanyang IG ang larawan niya matapos makaboto kahapon. Sa caption ay inihayag niyang naging emosyonal daw siya habang bumoboto.

“Felt so emotional kanina while filling out my ballot. Nag-ingat ng husto sa pagmarka dahil baka hindi mabasa ng machine.

“Nung nabasa na ng machine, lumabas ang resibo, napasobra ang lagay ng ink sa daliri ko halos napaiyak ako (dahil mahapdi rin siguro dahil sa kakakutkot ko ng index finger ko bago bumoto 😁 Election anxiety perhaps?)

“Proud ako kasi alam ko tumindig ako ,” Jodi wrote.

Leave A Reply

Your email address will not be published.