Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jodi inurirat na ‘Silent Superstar’

0 143

Bongga ang full cast reveal ng “The Broken Marriage Vow.” Bahala na kayo diyan kung gusto niyo pa ring mag-argumentation and debate tungkol sa final casting. Wala na namang epekto pa ang inyong mga kuro-kuro at opinion kasi nga done deal.

Ang bongga lang sa final cast, palong-palo ang casting ni Zaijan Jaranilla na habang nagbibinata ay kita na magiging lalaking makisig ito na maganda ang mukha ang tindig, sa true lang. We have another matinee idol in our midst.

Ang tanong na wala akong sagot, eh ito, “Bakit silent superstar ang tawag kay Jodi Sta. Maria?” Mula sa isang katotong manunulat ang tanong na hindi maunawaan bakit may ganiyang titulo para sa mahusay na si Sta. Maria.

Kaya ba silent superstar dahil hindi assertive si Jodi sa kanyang pagiging superstar, hindi niya nararamdaman o ipinaparamdam na may hit TV shows siya, pelikulang kahit paano naman eh may box officer appeal?

Kaya ba silent superstar siya kasi she does not throw her weight around, wanting so much social media attention ar mas focused sa kanyang anak, pag-aaral na tapos na at karera? Na alam niya ang priorities niya at hindi niya kailangang ipangalandakan palagi at may ibang gumagawa nito sa kanya?

Sa true lang, Sta. Maria does not need a “silent superstar” title dahil feeling ko hindi siya obsessed sa mga titulo at mas gusto na her good work speaks for her, na nangyayari naman na sa kasulukuyan.

Ang katotohanan na siya ay mahusay na aktres at inaabangan lagi ang kanyang pagganap at pagbibigay buhay sa mga katauhan, parang mas ‘yun ang gustong maging concentration ni Jodi. More than a title. Speaking in volumes na naman talaga kung sino siya at ano ang kanyang mga kayang gawin.

Sapat na siya ay si Jodi Sta. Maria, aktres.

Vice tumigil sa pagrampa

Siguro naman, ang mga taong palaging sinasabing hindi magtatagal ang relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez, eh nahimasmasan na at tanggap na nilang for keeps at moving to a new forever ang dalawa.

SM food to go Banner Ad

Ngayong pride month nga, buong ningning ngang inamin ni Queen Bayot sa isang panayam na tinalikuran niya ang pag-inom at paninigarilyo dahil sa kanyang sinisinta.

Kuda ni Jose Marie: “Ang saya ng puso ko. Masaya kami ni Ion. Masaya ako kay Ion. Masaya ako sa relationship namin and every day I say thank you to God. ‘Ang bait mo binigyan mo ako ng ganito.’ Paano kung wala ‘to?”

Sabi pa ni Vice: “Si Ion kasi hindi masalita pero kapag tumitingin siya akin tapos nakita ko na siya, kumakalma na ako. Pinakalma niya ‘yung buhay ko.”

Ang mga hard habits niyang hard to break dati, dahil sa pagmamahal nagawa niyang kalasam, ang pangmalakasang pagrampa gabi-gabi, pag yosi kadiri at paglaklak na as if there is no tomorrow.

Grabe at literal ang pagiging busilak ngayon ni Vice na ang dajilan ay walang kapantay niyang pagibig para kay Perez, huh.

“Si Ion lang sapat na, totoo ‘yun. Sapat na ako kay Ion na nagtatrabaho ako nandiyan si Ion nakikita ko siya, okay na ako, hindi na ako rarampa.”

Valuable talaga kay Vice ang relasyon, Feeling niya nga ang pink ng nipples niya sa tuwing nagseselos si Ion. Ayaw niyang maupset at mas lalong ayaw niyang ma-betray ang kanyang iniibig.

Magtatatlong taon na sina Ion at Vice at tila pangamatagalan na ito lalo na nga’t inamin ni Vice na kahit na wala siyang keps, walang kebs si Ion Perez at may “balls” ito na magpakatotoo sa kanilang relasyon. Hindi ginawang relasyon sa dilim ang kanilang pagmamahalan.

Panalo di ba? Pasok na pasok sa happy pride month.

Leave A Reply

Your email address will not be published.