Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jodi inurot sa make up challenge ng anak

0 283

NI: ARCHIE LIAO

Ilang beses nang nagkasama ang mag-inang Jodi Sta. Maria at Thirdy Lacson sa vlog ng aktres.

Viral naman ang latest entry sa kanilang vlog kung saan sumalang sa ‘make up challenge’ ang dalawa.

Sinagot din nila ang ilang questions mula sa netizen habang isinasagawa nila ang challenge.

Isa sa mga tanong ng mga netizen kay Thirdy: “If you could give your mom anything, what would it be and why?”

Sagot ni Thirdy: Si Mommy, deserve niya ang buong mundo. Kasi lahat ng sacrifices ni mommy para sa akin ‘di ko naman magagawa ‘yun para sa kanya, eh. “[Si] mommy nagwo-work hard palagi.. “Ngayon ngang may COVID kaysa mag-rest siya nagwo-work siya para sa amin para may malagay sa table namin.”

SM food to go Banner Ad

Na-touch naman si Jodi sa mensahe ng anak sa reply nitong :“You know what, as a mother.. it’s so important.. it’s very affirming—what you said—anak, and validating.. “‘Yung alam mo na may nagagawa kang tama para sa anak mo, para sa pamilya mo.”

Dagdag pa ni Thirdy, naa-appreciate niya ang mga ginagawang sakripisyo sa kanya ng ina bilang single parent.

Aniya para sa kanya, isang dakilang ina ang “Ang Sa Yo ay Akin” star.

“Yung mga mommy talaga para silang mga superhero,” bulalas ni Thirdy.

Ilang bitchy netizen naman ang nag-uurot bakit daw tinuturuan ng aktres ang anak na mag-make up o gawin ang nasabing challenge?

Hirit naman ng mga follower ni Jodi, she won’t mind kung anuman ang maging sexual orientation ng anak dahil love nito ang LGBTQ+ community.

Leave A Reply

Your email address will not be published.