Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jodi, Iza pasabog ang huling 2 linggo sa TV5

0 108

NI: ROLDAN CASTRO

Tinuturing nina Jodi Sta Maria, Iza Calzado at Sam Milby na malaking blessings na mapapanood sila sa TV5 bukod sa A2Z. Ito’y sa huling dalawang linggo ng “Ang Sa Iyo Ay Akin”.

“Taos puso pong pasasalamat sa Panginoong Diyos because this is really his gift,” sambit ni Iza.

Sey naman ng isa sa cast na si Joseph Marco na sana’y magtuloy tuloy na ito.

“Babangon tayo, magtutulungan tayo at darating tayo doon,” lahad pa niya.

Anyway, makatigil-hinigang tagpo ang sasalubong sa mga manonood ngayong linggo dahil malalagay sa bingit ng kamatayan si Jake (Grae Fernandez) sa tangka nitong muling takasan sina Caesar (Simon Ibarra) sa “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Nagpasiya si Caesar na sumama kay Red (Manuel Chua) matapos matunton ng huli ang lokasyon nina Jake at Hope (Kira Balinger) para siguraduhing mapatay ang dalawa.

Sa kabilang banda, nalaman rin ni Gabriel (Sam Milby) ang kinaroroonan ng mga anak kung kaya’t magmamadali itong puntahan sila.

Sa paglapit niya sa kinaroroonan nina Jake at Hope, makakasalubong niya si Avel (Joseph Marco).

Samantala, tuluyan nang napaikot ni Marissa (Jodi Sta. Maria) si Caesar dahil nakumbinsi itong ilaglag si Ellice (Iza Calzado) kapalit ang mga dokumentong naglalaman ng mga anomalyang kasangkot siya.

Magwagi kaya si Caesar sa kanyang mga binabalak? Tuluyan kayang mawalan muli ng anak si Marissa? Ano kaya ang mangyayari kay Ellice sa ginawang pagsisiwalat ni Caesar?

Tutukan ang huling dalawang linggo ng hit serye gabi-gabi, 8:40 PM sa A2Z channel at TV5. I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Palabas rin ito sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Mapapanood din ito Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app oiwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.

Leave A Reply

Your email address will not be published.