Abante Tonite Interactive

Jodi, Jolo tinapos ang relasyon

By
8,880

Kumpirmadong hiwalay na sina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria.

Ayon sa aming reliable source ay mga ilang buwan na rin mula nang mag-break ang magkasintahan at this time ay mukhang final na ito.

Ayaw idetalye ng a­ming source kung sino ang nakipaghiwalay kanino at kung sino ang sumuko matapos ang 8 long years nila of being together.

Nu’ng June 16 ay 36th birthday ni Jodi at binati ito ni Jolo sa Instagram ng, “I wish you all the happiness in this world that you deserve. Thank you for bringing out the best in me.

“Thanks for the wonderful 8 years! Happy birthday, Jods! God bless always!”

Kapansin-pansin na tila matabang ang greeting ni Jolo, na ‘Jods’ lang ang tawag sa aktres at hindi ‘asawa’ o ‘my love’ tulad ng dati. Ni wala ring ‘I love you’ sa dulo.

May cryptic post din ang Cavite Vice Governor sa kanyang IG Story na, “Accept what is, let go of what was, and have faith in what will be.”

Kamakailan ay gumradweyt si Jolo sa Lyceum of the Philippines sa kursong Bachelor of Arts Major in Legal Studies.

Dinaluhan ng pamilya ng actor-politician ang commencement exercises niya sa PICC, pero walang Jodi na duma­ting samantalang big event ‘yon sa buhay ni Jolo.
Kahapon ay nag-message kami kay Jolo at tinanong namin ito kung totoong tinuldukan na nila ni Jodi ang kanilang relasyon, na ang akala ng marami ay hahantong sa simbahan.

Hanggang sa sinusulat namin ito ay hindi niya pa kami sinasagot.

Si Jodi ay nag-celebrate ng kanyang birthday kasama ang mga bata sa Kythe Foundation.

Mula sa National Children’s Hospital nu’ng umaga ay nanood si Jodi ng Hillsong concert, kaya raw her heart was full, happy and content nu’ng araw na ‘yon.

Sa tagal ng relasyong Jolo-Jodi ay mga ilang beses silang nagkahiwalay pero nagkakabalikan din.

***

Album ni Menggay nangangamoy diamond

Hanggang kahapon ay trending pa rin sa Twitter ang #MaineSingsWithBWBoys dahil sa pa-concert ni Maine Mendoza with the Broadway Boys nu’ng Sabado sa ‘Eat Bulaga’.
Karen Karpentera ang tawag ni Menggay sa sarili niya bilang Karen Carpenter songs ang i­nawit niya kasama ang apat na bagets singers ng ‘EB’.

“Thank you for today, boys! Salamat sa pagpapalakas ng loob ko at pagpapatawa sa akin nang sobra, pantanggal ng kaba!” caption ni Meng sa kanyang IG Story na kasama niya sa pic ang Broadway Boys.

Kahit aminadong sobra ang kaba ay relaks na relaks ang dalaga habang nagko-concert sa Broadway studio at pa­nay pa ang patawa with her usual kakikayan.

In fairness ay may boses naman kasi si Maine at alam niya kung hanggang saan lang ang vocal range niya, so hindi siya nangangahas bumirit o bumanat ng matataas na kanta.

Keri niya ang easy-listening songs na tulad ng hits ni Karen, so mga ganitong tipo ang dapat niyang kantahin sa album na balitang gagawin niya under Universal Records.

Bagay kay Meng ang mga tamis-tamisan lang na tracks, pero parang kaya niya rin ang no­velty at ‘yung mga pampaaliw na kanta bilang natural siyang komikera.

Puwede rin siguro siyang mag-drums gaya ng ginawa niya bilang ‘yun ang hilig niya. So, puwede talagang manorpresa ni Maine sa recording na gagawin niya.

Ang dami pa niyang puwedeng ilabas at ipa­kita, to think na never daw siyang nag-perform sa school nu’ng estu­dyante pa siya at maging sa recitation ay kabado siya.
Paglabas ng record ni Maine ay hindi mala­yong mag-Diamond din ito tulad ng nangyari sa album ni Alden Richards.