Abante Tonite Interactive

Jodi mukhang kalansay; Beauty walis tingting sa kapayatan

By
2,182

May karera ba nang papayatan sa mga artista ngayon base sa kanilang mga pino-post na mga larawan sa Instagram?

Maraming netizen na ang nakakapuna sa sobrang kapayatan nina Beauty Gonzales at Jodi Sta. Maria na malayo sa dati nilang pangangatawan nitong mga nagdaang mga buwan.

Nag-alala na ang mga fan at supporter ni Jodi sa halos buto’t balat na ito. May nagtatanong tuloy kung may sa sakit ba siya nu’ng makita ang kanyang larawan sa bakasyon niya sa Bahamas. Sa pag-alsa ng mga buto nito sa braso, parang wala nang taba sa kanyang katawan.

Abante Hiring – IT dep

Makikita naman ang abs muscle nito na nakuha niya sa kanyang work-out pero mukhang kalansay ang body frame nito sa kapayatan.

Samantala, halos walis tingting naman sa kapayatan ng kanyang mga braso si Beauty na makikita sa frontal bikini shot niya sa isang island resort.

Liza babu ang pagbi-bikini sa ‘Darna’?

Tuloy ang remake ng ‘Darna’ na siyang matagal nang pinakakaabangan ng lahat lalo na ng mga fan ni Liza Soberano.

Kinumpirma ni Liza sa kanyang IG post ang paghahanda sa proyekto.

Masisilip sa Instagram account ni Liza ang ilang larawan na kuha sa isang workout gym.

Makikita ang boxing training ng aktres, ang pagpapagpag niya nang malaking lubid at ang abs work out niya sa huling photo.

Base sa appearance ni Liza, mukhang hindi ito ang simula ng kanyang training dahil makikita sa kanyang mga braso ang nagpa-pop up na mga muscle. Masasabing dibdiban talaga ang preparasyon niya sa naturang pelikula.

Isa pa sa kumpirmasyon na nagsasanay si Liza para sa project ay ang caption niyang @lizasoberano, “it doesn’t challenge you. It won’t change you. #DarnaTraining.”

Anyway, how true na may pagbabago sa costume ni Liza bilang Darna? May pagka-warrior type raw ito na malayo sa sinusuot dati ng mga naunang nag-Darna. Ibig bang sabihin ay babu na ito sa bikini pero sexy pa rin ang dating?

Mark Wahlberg may mensahe sa laban ni Pacman kay Matthysse

Nanatiling malakas ang hatak at karisma ni Sen. Manny Pacquiao sa international scene. Kahit nakaranas ito ng pagkatalo sa ilan niyang mga laban ay hindi nababawasan ang paghanga sa kanya ng mga sikat na personality abroad, gaya na lamang ng Hollywood star na si Mark Wahlberg.

Naka-post sa Instagram wall ni Jinkee Pacquaio ang video greet ni Mark Wahlberg para kay Manny at sa buo niyang pamilya.

Kinukumusta ni Mark si Manny pati ang kanyang asawa at mga anak.

Sabi pa nito, wish niyang maging maganda ang training nito para sa susunod niyang laban.

Nakatakdang makipag­bakbakan sa boksing si Manny kay Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia ­ngayong July 15.