Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jodi ‘nakigulo’ sa kampanya

0 101

NI: VINIA VIVAR

Ever since ay kilalang tahimik na artista si Jodi Sta. Maria at hindi nakikigulo sa politika pero ngayong eleksyon ay lumabas siya para ikampanya ang kanyang sinusuportahang Presidente.

“Many have known me to be you know, just quiet about certain things and I believe that this is not the time to be quiet about what you stand for,” paliwanag ni Jodi sa napanood naming video niya.

“That’s also the reason why I went out there to show people kung sino ‘yung mga tao na sa puso ko, ang magbibigay sa atin ng pag-asa. That’s why lumabas ako. Hindi na lang ito pangsarili,” sey pa niya.

SM food to go Banner Ad

Ayon pa sa aktres, in the old times, ang mga kandidato ang gumagastos para sa kampanya.

“Di ba, sa mga nakaraang eleksyon, kung mapapansin natin na ang politiko mismo ang gumagasta, gumagastos para maipakilala nila ang sarili nila pero ngayon ko lang ulit nakita na ang mga tao talaga ang willing mag-spend, magbigay ng effort para suportahan ang isang kandidato,” sey ni Jodi.

As we all know ay lately lang naglantad si Jodi ng kanyang sinusuportahang Presidente at talagang sumasama pa riya sa rally and house to house campaign ng mga kakampink.

Leave A Reply

Your email address will not be published.