Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jodi nawili sa ibon ni Raymart

0 169

NI: ARCHIE LIAO

Pagkatapos na mabalita noon na nagkakamabutihan na sina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria, masaya sila dahil naniniwala silang deserved nila ang isa’t-isa.

Katunayan, hanggang ngayon, marami ang naaaliw na nawiwili si Jodi sa bagong libangan nila ng boyfie.

Haling na haling daw ang aktres sa ‘ibon’ ni Raymart.

Si Raymart kasi ang nagturo kay Jodi sa pag-aalaga ng parrot.

Siya rin ang nagmulat sa mga bagay na dapat niyang matutunan sa pag-aalaga ng ibon.

Tinuturuan nila ang alaga nilang parrot, hindi lamang sa pagsasalita kundi sa iba pang bagay na puwedeng ipagawa.

Ngayon, nawiwili na si Jodi sa pagtuturo ng iba’t-ibang tricks sa “ibon” na regalo ni Raymart na itinuturing niya ngayong paboritong pet.

Isa rin sa mga gustong karerin ni Jodi ay ang maging bird trainer na para sa kanya ay exciting at challenging.

Leave A Reply

Your email address will not be published.