Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jodi sinampal ni Maricel

0 227

NI: VINIA VIVAR

Maraming artista ang nangangarap na matikman ang signature na sampal ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa isang eksena and finally ay nasampolan na si Jodi SantaMaria.

Sa isang mainit na eksena sa teleserye nilang Ang sa Iyo ay Akin ng ABS-CBN ay sinampal ni Lucring (Maricel) ang anak niyang si Marissa (Jodi) matapos nitong aminin ang naging kasalanan niya sa kaibigan at itinuturing na kapatid na si Ellice (Iza Calzado).

Maging ang mga manonood ay sari-sari ang naging reaksyon sa inaabangang sampal ni Maria sa nasabing serye.

“Napanood ko na naman yung signature acting ni Inay Marya! TATAK MARICEL SORIANO talaga!” komento ng isang viewer.

Tweet naman ng isa pa, “Pak!Na excite sa unang sampal, ang di inaasahan pinangalawahan pa pala! Pak!! Nagulumihanan bigla si Marissa! SAMPAL NI MARICEL SORIANO.”

Reaksyon naman ng isang Twitter user, “hindi pa tapos ang sampal scene kahit sa utak ko nagpapakita sya HAHAHAHA SAMPAL NI MARICEL SORIANO.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.