Abante Tonite Interactive

Jodi tumawad sa TF nina Ian, Zanjoe

927

Ni Vinia Vivar

Sumabak na rin si Jodi Sta. Maria sa pagpo-produce. Siya ang producer ng 6-part drama series na “My Single Lady” na mapapanood sa iWant ng ABS-CBN. She’s also the lead star kasama ang mga leading men niyang sina Ian Veneracion at Zanjoe Marudo.

Sa presscon nga held last Friday night, ang unang tanong sa aktres ay kung bakit niya naisipang mag-produce.

“Actually, there was one day na parang nagko-contemplate ako na parang kung meron pa akong ibang puwedeng gawin,” simula ni Jodi. “I mean, I love my job as an actor, I love my craft. But I would always tell myself po na parang there’s more to life than you know, just being an actor.

“So, nag-iisip pa ako ng mga ways pa kung paano ako magle-learn and maggo-grow and I thought po of producing kasi it’s the closest po to what I do.”

Dapat daw ay this year pa siya magsisimula sa pagpo-produce dahil gusto niya munang mag-aral bago siya sumabak sa production.

“Pero ‘yun nga po, nu’ng nagpaalam po ako sa manager ko, kay Mother Biboy (Arboleda) about it, and nabanggit din po nila sa Dreamscape (entertainment production ni Deo Endrinal sa ABS-CBN), in-offer po nila ‘yung project.

“Pero ang sabi ko po, hindi pa po ako ready to do it, kasi, parang ang feeling ko, hindi pa po ako equipped.

“But then, they were very supportive naman na bigyan po ako ng mga tao, ng team na makakasama ko, habang ipino-produce ko ang ‘My Single Lady.’”

Pangalawang rason daw ay gusto rin daw niyang makapagbigay din ng trabaho sa mga tao.

Konsepto ng director na si Carlo Catu ang project na sinulat naman ni Janina Gacosta. Nagkataon naman na swak na swak kay Jodi ang materyal dahil single mom ang kanyang role na siya ring papel niya sa totoong buhay. She’s a single mom to Thirdy na anak nila ni Panfilo Lacson, Jr.

Nagkataon pa na sa story, politician ang nakabuntis kay Chona (Jodi), pero nilinaw naman ni direk Carlo na hindi patterned ang story sa personal life ng aktres.

Hopefully ay magtulo-tuloy nga raw ang kanyang pagpo-produce and in fact, may mga next projects na silang naka-line-up.

Samantala, naging magkaibigan sina Jodi at Ian simula nang magkatrabaho sila sa “Pangako Sa ‘Yo” at talagang ito rin naman ang isa sa dahilan kung bakit tinanggap ng aktor ang proyekto.

Ayon kay Ian, automatic na “yes” agad ang sagot niya nang ialok ito sa kanya ni Jodi lalo pa nga’t first production ito ng aktres.

“As a friend, siyempre, I wanna be there to support her,” sey ni Ian.

Bukod dito ay kakaiba nga raw ang script nito at nagustuhan niya talaga.

Ang role at kuwento rin ng story ang nagustuhan ni Zanjoe kaya tinanggap niya ang project. Kung sa mga past serye niya ay mababait lagi ang kanyang karakter, this time ay iba naman daw at medyo flawed.

Nang matanong kung hindi ba tumawad si Jodi sa talent fee ng dalawang aktor ay nagkatawanan.

Ayon kay Ian, in-expect na nga raw niyang tatawad sa kanya si Jodi nang kausapin siya para sa proyekto. Pero hindi raw talaga.

Pagbibiro naman ni Zanjoe, wala nga raw siyang TF dito at idinaan na lang daw ni Jodi sa milk tea at mga pagkain.

Pinatunayan naman ni Ian na talagang generous producer si Jodi dahil lagi itong nagpapakain.

“Generous siya sa pagkain, sa meryenda, sa kape, sa lahat,” sabi ni Ian.

Ayon naman kay Jodi, bilang isang artista ay naiintindihan niya siyempre ang nararamdaman ng mga co-stars.

“Ayoko namang isipin nila na ‘uy, sobrang pine-friendship mo naman kami dito’ and kasi, nanggagaling din ako sa pagiging aktor na kung anuman ‘yung TF na meron sila ngayon, pinaghirapan nila ‘yun. Ilang taon nilang pinagtrabahuhan ‘yun para umabot sila sa ganu’n, ‘di ba?” pahayag ng aktres.

Ang “My Single Lady” ay magsisimula nang i-stream sa iWant app (iOS and Android o sa iwant.ph simula sa January 22, Wednesday. Kabilang din sa cast sina Iyah Mina, Brenda Mage, Vitex Paguiringan at Carla Martinez.

Kibit balikat sa Jolo-Angelica wedding

Dahil nga “My Single Lady” ang title ng serye, natanong si Jodi kung magiging single lady na lang ba siya all her life or gusto pa rin niyang ikasal ulit tulad ng ex-boyfriend niyang si Jolo Revilla?

As we all know, ikinasal si Jolo sa beauty queen na si Angelica Alita last December sa Newport Beach, California, USA.

“Ako naman po, wala naman po akong nakikita na problema sa season ngayon ng life ko. I am actually embracing my single blessedness. If it’s the Lord’s will for me to get married in the future, why not? Kung hindi pa, then I’ll just wait for His plans and purposes for my life. Ganu’n po,” sagot ni Jodi.

Diretso ring natanong ang aktres kung ano ang na-feel niya nang ikasal si Jolo na 8 long years din niyang nakarelasyon.

Natawa si Jodi. “Ay, naku, tapos na po ‘yun, huwag na po nating pag-usapan,” ang maikli at umiiwas niyang sagot.

What’s the best thing about being a single lady?

“Maraming mga tao kasi, parang minsan, parang nagiging issue ‘yung pagiging single, ganyan. But then, you know, it’s actually a blessing and you know, it can actually be a very good thing na ‘yung parang natututo ka na mag-rely sa love na meron si God for you, and then, eventually, ‘yung love na meron ka for yourself than depending on the love of a man. So, I think, ‘yun.

“And of course, it’s a nice stage wherein you can grow and discover a lot about yourself,” pahayag ng aktres.

Text ni Sta. Maria ‘di pinaniwalaan ni Regine

Lumalabas nga na parang tribute to Regine Velasquez ang konsepto ng “My Single Lady” dahil sa kuwento ay fan ni Asia’s Songbird ang nagpalaki sa karakter ni Jodi. That’s why, Chona ang name ng karakter niya dahil ito ang real name ng singer.

Sa trailer nga ay makikita ang mga poster at mga article ni Regine dahil nga idol siya ng adoptive parent ni Chona.

Kuwento ni Jodi, ipinaalam daw nila kay Regine ang tungkol dito.

“Talagang pinuntahan namin siya sa house niya. Kinausap namin si Ate Reg. Nag-message muna ako sa kanya, kasi siyempre, gusto rin namin siyang kunin for a part, and of course, mga songs niya,” ani Jodi.

Noong una nga raw ay hindi makapaniwala si Songbird na si Jodi siya na artista.

“Sabi niya, ‘ha? Judy? O Jodi? Judy Ann Santos?’ ganu’n, at first, hindi siya naniniwala na ako ‘yung nag-message sa kanya. Tapos sabi ko, ‘yes, ate, it’s me.” Sabi niya, ‘Jodi, the actor?’” kuwento ni Jodi.

Hanggang sa ‘yun nga, nag-set sila ng meeting at pinuntahan nila ito sa bahay, prinisinta ang project at pinaalam na pati nga ang songs nito ay gagamitin nila.

Talagang sinabi raw niya kay Jodi kay Regine na isa siya sa pundasyon ng project at kailangang umoo siya.

Thankful naman si Jodi dahil pumayag talaga ito at may special appearance pa ito sa serye. At kahit punong-puno raw ang schedule nito ay inayos daw nito at manager na si Cacai Mitra para makapagbigay sa kanila ng schedule for taping.

“Nagbigay siya sa amin ng schedule para ma-shoot namin siya and para du’n, we’re very thankful kay Ate Reg na pinagbigyan niya ‘yung programa,” Jodi said.