Abante Tonite Interactive

Joe Johnson mas mahalaga kay Melo?

347

Tapos tanghaling MVP, champion sa Big 3 league at makapag-training sa mga National Basketball Association team, ‘di na nahirapang makabalik si 7x NBA All-Star Joe Johnson.

Hinablot nga ng Detroit Pistons ang pagkakataon na makuha si Joe Johnson tapos ding makita ang kanyang performance sa Big 3.

Makakasama ni Johnson si youngest NBA MVP Derrick Rose, high flyer Blake Griffin at defensive big man Andre Drummond.

Ngunit anong meron kay Johnson na wala si Carmelo Anthony?

Hanggang ngayon ay wala pa ring dumadakma sa serbisyo ni Melo kahit pa may ilang ugong-ugong na kukuhanin ito ng Brooklyn Nets.

Naunahan pa siya ni Johnson, na halos pareho lamang din ng play style ni Melo na mahilig sa isolation.

Sinasabing ‘di na pasok ang playing style ni Melo sa NBA at nakasisira ito ng play ng mga koponan, subalit kung titingnan ay ganoon din naman ang laro ni Johnson.

Mas may advantage pa si Melo kung susuriing mabuti dahil si Melo ay kombinasyon ng size at strength.

Nalalapit na rin ang 74th NBA season, may patutunguhan kaya si Melo? O babagsak muna ito sa Big 3 league?

***

Tungkol naman sa Team USA, ginitla ito ng France sa quarterfinals para sumablay sa medal finish, at nilampaso rin ng Serbian team sa 5th-8th consolation pool ng 18th Fiba World Cup 2019 sa China.

Dito mo hahanapin ang balanseng roster kung saan kailangan sana ng mga beterano sa isang team gaya ni Melo.

May magbabago kaya sa kanilang lineup sa Tokyo 2020 Olympics?

***

Kung kayo po ay may reaksiyon o mga katanungan, mag-email lamang sa alecpaolo2016@gmail.com. Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes alas-sais nang gabi sa Abante News Online. Maraming salamat po!