WebClick Tracer

Joe Rodriguez atat dumiskubre ng de-kalibreng national rower

ABANTE TONITE

Puntirya ng Philippine Sports Commission na makahagilap ng susunod na mga national athlete at Olympian rower mula sa Isabela sa pamamagitan ng bagong pinasimulang grassroots rowing program sa Cauayan City.

Pinangunahan ni PSC Chairman John Patrick Gregorio ang programa sa pagbibigay ng world-class rowing equipments sa lugar, at naniniwalang kayang makahubog ng national team member ang ang lugar sa dalawang taon.

Sinegundahan siya Cauayan Mayor Caesar Dy Jr., dinugtong na nasa mabubuting kamay ang mga batang atleta dahil tututukan ng batikang coach at dating atleta ng sport.

“Actually, ‘yung isa nga po nating coach is a five-time Southeast Asian Games gold medalist. So they’re in good hands,” ani Dy.

Tinutukoy ng alkalde si Joe Rodriguez na isa hahawak sa mga batang rower sa ilalim ng binuksang PSC-Philippine Rowing Association Rowing Academy sa Isabela.

Ibinahagi ni Rodriguez na malaking ang iniunlad ng buhay niya dahil sa rowing nang makapasok sa national team, ast makalahok sa iba’t ibang kompetisyon kabilang ang SEA Games, mula sa pagiging tagapagpakain noon ng mga kalabaw.

“Malaki ang naginhg pagbabago sa buhay ko. Nakilala ako, gumanda ang buhay ko at nakapagpatayo ako ng bahay,” ani Rodriguez.

Ayon pa sa beteranong coach, maraming oportunidad ang naghihintay sa mga atleta, kabilang ang posibilidad na makapasok sa Armed Forces of the Philippines major services at Philippine National Police.

Ngayon bilang coach, hangad niyang maipasa ang mga kaalaman sa susunod na henerasyon ng mga batang papasok sa sport at mga baguhan ding coach.

Pero pahabol si Rodriguez para umasenso sa pagiging atleta.

“Discipline ang number one,” giit niya.

Sa tulong ng PSC, pamahalaang bayan, lalawigang at champion coach, umaasa ang Cauayan na maging isa sa mga bagong pugad ng world-class rowers sa hinaharap. (Jesus Nathaniel Valdez)