Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joed crush si Mark

0 318

Hiningan namin ng reaksyon si Joed Serrano tungkol kay Mark Herras. Very vocal kasi ang actor producer na crush niya ito. Matatandaang naging kontrobersyal ang pangungutang diumano ni Mark ng 30k sa dating manager na si Lolit Solis.

Willing daw siyang tulungan ng Godfather producer.. Pahihiramin niya raw ito at hindi lang yun ay maaari pa raw niyang ipag-produce ng pelikula. Bagay raw sa aktor ang pelikulang “Hosto” na ididirek ni Louie Ignacio.

“Why not. Magaling naman si Mark.Kung ano ‘yung puwede natin maitulong ay tulungan natin basta’t makakaya ko,” sey ni Joed nang mag-guest sa aming show na ‘Showbiz Café’ sa FYE channel ng KUMU.

Producer naghigpit ng sinturon

Natuwa naman kaming makita na okay si Joed sa kabila ng pandemya.

Hindi rin naman niya tinanggi na medyo naghigpit siya ng sinturon nitong pandemya dahil sa nahihirapan siyang maningil sa mga nakalabas na pera. Pero wala naman daw dapat ipag-alala dahil may mga paparating naman daw na inaasahan niya. Naaantala lamang dahil sa pandemya.

“Hopefully by January kung okay na ang lahat matuloy na ‘yung Film Festival ng Godfather. Bale 8 movies yun kasama na yung movie ni ate Guy (Nora Aunor) na Kontrabida.”

Isa pa sa aabangan kung matutuloy ay ang pagtakbo ni Joed bilang Vice Mayor ng Tarlac.

Well, masasabi namin kahit hindi politiko nasa puso rin talaga ni Joed ang pagtulong. Hindi na mabilang ang mga taong tinulungan niya na gumanda ang buhay.

Kiko ‘di niloko si Devon

Sa wakas ay nagsalita na si Kiko Estrada tungkol sa relasyon nila ni Heaven Peralejo. Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay nilinaw niya ang ilang isyu. Wala raw overlapping na nangyari sa kaniyang ex- gf na si Devon Seron at present gf na si Heaven Peralejo.

2 years daw sila ni Devon at nag-break nu’ng February this year. Pumasok daw sa buhay nila si Heaven a month after pero hindi naman daw kaagad naging sila.

Nasubok daw kasi ang pagkakaibigan nila sa mga isyung pinagdaanan kaya hindi naman niya inaasahan na eventually magiging sila ng aktres

” Nakakalungkot lang na it had to be this way. Yung reaction ng mga tao,” sabi ni Kiko.

Hindi na raw kasi kinakaya ng aktor ang pamba-bash kay Heaven.

SM food to go Banner Ad

“Kaya nga ako nandito to clarify everything. I think it’s long overdue. I’m the type of a person na marespeto ako sa past, sa present sa future in anyway.

“I really don’t talk about my private life pero this is going overboard na kasi. I just want them to know the truth.The timeline. Me and Devon broke up Valentines day 2021, at kami ni Heaven May 30.”

Kaya hindi raw maintindihan ni Kiko ang galit ng iba.

” Seeing the person you love hurt by lies or fabricated truth, it takes like a man to stand up to tell the truth.”

“Tao rin kami. Naaapektuhan din kami.”

“I am not a cheater and Heaven is not the third party,” ito ang pagbibigay diin ng aktor sa mga mga bash sa kanila.

” People will believe what they want to believe,” sey pa niya.

Kaya naman daw nag-stop muna si Kiko for a while sa pagiging aktibo sa social media.

Anderson ayaw tigilan ng mga basher

Aktibo na naman ang mga basher ni Gerald Anderson matapos siyang humingi ng sorry sa ex- girlfriend niyang si Bea Alonzo.

Bakit naman daw kasi ngayon lang humingi ng sorry pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Sabi ng isang netizen, sa bandang huli, inamin din ni Gerald na may ghosting and cheating nga na naganap. He hopes Bea can forgive him so he just admitted all the issues. He won’t ask for forgiveness kung wala siyang nagawang masama talaga.

Sabi pa ng isang netizen, ” Bat ngayon ka lang humingi ng tawad? Ngayong nakamove on na sya?”

May mga reaksyon pa na kailangan daw kasing pagandahin ni Gerald ang kanyang image ngayon .Masyado kasi siyang naapektuhan sa pag-iwan kay Bea at pakikipagrelasyon kay Julia.

Leave A Reply

Your email address will not be published.