Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joed Serrano pinag-awayan nina Miko, Ricky

0 113

NI: ROLDAN CASTRO

Mainit ang giyera sa dalawang cast ng ‘Anak ng Macho Dancer’.

Balitang napikon daw si Ricky Gumera sa pagtawag ng babe ni Miko kay Joed Serrano? Di maikakaila na kung walang pulis sa buhay ni Joed ay si Ricky raw ang tiyak na dyowa nito.

Pero itong si Miko ay walang tigil sa pagsuyo kay Joed. Pilit na sinasabing sila na.

Tinawag na epal ni Miko si Ricky.Kung si pulis daw ay hindi nagagalit kahit tawagin niyang ‘babe’ si Joed sa harapan niya, bakit daw nagre-react si Ricky?

Sa Facebook account ni Miko ay may talakan na ang dalawa. Post ni Miko,” Maxado kang epal!!

Wala kang pake kong babe ang tawag ko sa kanya.. O baka naman gusto mo ikaw ang tawagin kong babe? Bakla ka ba?Tamaan wag magagalet…”

Nag-reply naman si Ricky sa comment section ng “Tol mukhang malaki ang problema mo?”

Sagot ni Miko, “Wala akong problema. Baka ikaw ang may problema…Ganyan ba kalaki ang inggit mo saken?”

SM food to go Banner Ad

Nadamay na rin sina Mhack Morales at Charles Nathan na umaawat sa dalawa.

Mahaba ang sagutan nila sa Facebook.

Dagdag post pa ni Miko,” Pasenxa na pero nakakapikon ka na pre…

Salitang ason ulol man ako pero totoo akong tao…

Hindi ako sipsip!!!”

Samantala ‘di nagpapatinag ang bagong Totoy Mola na si Ricky . Tahasan siyang nagpahayag na mapupunta sa kanya si Joed Serrano. Sadya ngang mahaba ang buhok ni Rapunzel este ni Joed sa nangyayari ngayon.

Abangan ang grand presscon / birthday celebration ng mega producer na si Mr. P (tawag kay Joed) ngayong Enero.Ating alamin kung ano mangyayari kina Miko at Ricky sa araw na magkita sila.
Awatin kaya sila nina Charles Nathan at Mhack Morales pag nagpang-abot?

Anyway, nakalipat na si Miko sa bagong bahay nito na ibinigay ni Joed . Tinupad lang ng actor-producer ang commitment n’ya sa tinaguriang the newest sex symbol ng panahon ngayon.

After ng ‘Anak Ng Macho Dancer’ na nakatakdang ipalabas sa KTX narito ang line up ng Godfather Productions. ‘Kontrabida’ nina Nora Aunor at Charles Nathan, ‘Ang Bagong Totoy Mola’ na pagbibidahan ni Ricky Gumera, ‘The Loves, The Miracles & Life of JOED, ’LOCKDOWN Kapit sa Patalim ni Paolo Gumabao, ‘Burlesk ang Huling Sayaw,’ ‘Banat,’ ‘‘Macho Gay,’ “Monay & Everything,’ ‘M.I.L.F.,’ ‘Matinee Idol,’ ‘Cybersex (Miko Pasamonte Story),’ ‘My Bestfriends Husband’ with Romnick Sarmenta, Sheryl Cruz at Joed Serrano, ‘Matrona,’ ‘Mga Batang Tondo,’ ‘Artista Ako, Eh,’ ‘Super Pogi & Friends,’ ‘Libog,’ ‘Sir,’ ‘Binili kong Pag-ibig.’

Leave A Reply

Your email address will not be published.