Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joed ‘sinubo’ ng beking politiko

0 478

ROMMEL PLACENTE:May isang hindi makakalimutang karanasan ang dating aktor-mega producer na si Joed Serrano sa piling ng isang gay showbiz reporter. Wala pa siya sa showbiz that time nang dalhin siya sa motel ng nasabing reporter. Sinabihan siya nito na bibigyan ng 5Ok after nilang mag-sex na hindi naman pala totoo.

Ang masaklap pa nito, binaboy siya ng reporter,sinibak siya sa likod na pumayag naman siya sa paniniwalang bibigyan siya ng malaking halaga.

That time ay 17 lang si Joed.Wala siyang kamuwang-muwang sa sex kaya pumayag siya sa gustong gawin sa kanya ng press.

Kahit anong pilit namin,ayaw sabihin ni Joed kung sino ang reporter na nangmolestiya sa kanya Ang tanging sinabi niya lang ay baka patay na ito

Sa solo presscon ni Ricky Gumera namin nakausap si Joed, para sa pelikula nitong ‘Anak Ng Macho Dancer’. Gumanap dito ang binata bilang si Kyle na inabuso ng ama niya na ginagampananan ni Jay Manalo .

Tinanong din naming si Ricky na kung walang karelasyong pulis si Joed at ligawan siya nito ay pwede ba niya itong mahalin.

Ang sagot niya,sobrang swerte raw ng pulis na nagkaroon ito ng isang Joed Serrano.Generous daw kasi ito kaya hindi mahirap mahalin.Alam daw niya na maraming manliligaw si Joed na may mga artista pa. Kaya lang, sa tingin niya,malabo siyang magustuhan ni Joed dahil isa lang daw siyang baguhan sa showbiz. Ganun?

Hindi naman malayong magustuhan siya ni Joed dahil gwapo matangkad, may magandang pangangatawan at ‘Totoy Mola’. Hindi naman isyu kung baguhan lang siya sa showbiz. Ang kay Joed ay basta pakikitaan siya nang maganda at kaya rin siyang mahalin.

RODEL FERNANDO: Dahil sa “Anak ng Macho Dancer” ay naging kontrobersiyal uli ang dating aktor na si Joed Serrano. Mula sa pagpo-prodyus niya ng nasabing pelikula ay iniintriga siya. Bakit daw kasi kailangan pa niyang mangapital sa pelikula eh succesful na siyang concert producer?!. Ang layo pa raw nito sa mga concert na pinrodyus niya na wholesome na at karamihan ay international singer pa.

Bakit daw siya napapayag na gumawa ng isang sexy movie na nakabilad ang katawan ng mga artista?! Well, nag-iisip din naman si Joed dahil sabi nga niya mahirap mag-produce ng concert ngayong may pandemya. Naisip niya ang pelikula dahil ipapalabas ito online at worldwide pa. Puwede rin itong ibenta sa Netflix pag nagustuhan ang kalidad ng movie.

Anyway, bukod dito usap-usapan din ang pamimigay niya ng bahay sa baguhang si Ricky Gumera. Natsitsismis siya tuloy na baka iba ang motibo niya rito. Puwede kasing sabihin na kaya niya binigyan ng materyal na bagay ang binata ay puwede itong may kapalit.

Sey ni Joed dito ay hindi lang naman daw si Ricky ang bibigyan n’ya ng bahay kundi ang apat pang co-stars ng binata sa pelikula na pagtatrabahuan din naman nila.

At heto pa ang nakakaloka, ipoprodyus ni Joed ang true to life story niya. Pinangalandakan niya na wala siyang itatago sa naging buhay niya at masalimuot na karera niya sa showbiz. Bukod sa mga binanggit mo fren Rommel ay isasama sa movie ang politician na naka sex niya. Hindi raw siya natatakot kung malaman ng politician kapag napanood ang pelikula dahil totoo naman daw .At madali raw ma-recognize ito dahil ang gaganap ay hawig nito. Talbog!

MILDRED BACUD: Pero alam niyo mga ka-Cuatros, hindi talaga ako makapaniwala sa politician na sinasabi ni Joed na nakatikiman niya. Ang layo kasi kung titingnan ang personalidad ng nasabing politiko.. Anyway, sa life story ni Joed, malalaman natin kung paano nangyari ang lahat. Tapos na ang chapter na ito sa buhay niya pero sinama pa rin niya sa kwento dahil sa naging kontrobersyal naman. Mahuhulaan kaya ng manonood ang ‘sumubong’ beki na politiko?

Nakakatuwa din mga friends na muling binubuhay ni Joed ang sexy films na matagal ding nawala ha. Ibig sabihin maraming trabaho, hindi lamang sa mga artista maging sa maliliit na manggagawa ng pelikulang Pilipino. Isa pa, hindi niya tinitipid ang produksyon. Joel Lamangan lamang naman ang direktor ng Anak nga Macho Dancer na ang isa sa mga artista ay Ricky Gumera na alaga ng ating kaibigan na si Meg Perez ng Megamodels Events and Talent Management.

ROLDAN CASTRO:Bilib kami kay Joed sa pagiging generous niya. Subok namin ito bilang kaibigan.

Walang malisya ang pagtulong niya kay Ricky at sa ilang baguhang aktor ng ‘Anak ng Macho Dancer’. Ayaw nga niyang mangyari sa kanila ‘yung mga na-experience niyang harassment nu’ng baguhan siya sa showbiz. Huwag ‘daw intrigahin at pagdudahan ang pagtulong niya sa mga artista niya.

Pero hindi siya ipokrito na kung wala siyang dyowang pulis baka ligawan niya si Ricky para maging boyfriend.

Anyway, nakatakdang gawin ang premiere night ng ‘Anak ng Macho Dancer’ ngayong December sa UP Film Center. Suportado ito nina Jaclyn Jose, Allan Paule, Jay Manalo, Rosanna Roces at Emilio Garcia. Prodyus ng Godfather Productions katuwang ang Blackwater.

Leave A Reply

Your email address will not be published.