Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joel judge sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga

0 84

Tampok bilang guest judge sa sikat na sikat na segment na Bawal Judgmental ng Eat Bulaga ngayon Sabado si Senator Joel Villanueva.

“Isang karangalan po ang maimbitahan ng Eat! Bulaga sa kanilang Bawal Judgmental segment. Excited po tayo pakinggan ang mga kwento ng ating mga manlalaro,” ani Villanueva.

Nakilala si Villanueva sa mahusay na pagpapatakbo ng ahensyang nangangasiwa sa technical-vocational education sector. Sa kanyang limang-taong panunungkulan bilang director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), binigyan niya ng panibagong perspectibo kung paano magagamit ang tech-voc para i-angat ang kalidad ng buhay ng mga manggagawa sa pamamagitan ng “Training, Trabaho, TESDA” campaign, na nakapagtala ng siyam na milyong skilled workers. Nakilala siya bilang si “TESDAMan” dahil dito, at ito ang nagdala sa kanya sa Senado noong 2016.

Ipinagpatuloy ni Villanueva ang pagsulong sa mga isyu ng manggagawa sa Senado, bilang pinuno ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development. Nagpatuloy pa siyang magpasa ng mga panukalang batas upang itaguyod at palawigin pa ang kapakanan ng mga manggagawa tulad ng Work-From-Home law, Occupational Safety and Health Standards law, First-time Jobseekers Act, at iba pang mga batas.

Nagtapos si Villanueva ng economics sa University of Santo Tomas sa Maynila, at kumuha pa ng Special Studies sa Business Administration sa Harvard University. Isa rin siyang sertipikadong Barista NC III, at ginawaran ng Doctorate in Humanities, honoris causa, ng Polytechnic University of the Philippines.

Habang nasa kolehiyo, naging bahagi siya ng varsity team na UST Growling Tigers na siyang nakasungkit ng apat na sunod-sunod na kampyonato simula noon 1993 hanggang 1996 sa UAAP.

Kabiyak ni Senator Villanueva si Gladys Cruz-Villanueva, at biniyayaan sila ng dalawang anak. Ang ama ni Senator Villanueva, si Bro. Eddie Villanueva, ay tagapagtaguyod at Spiritual Director ng Jesus Is Lord (JIL) Church Worldwide at kasalukuyang isa sa mga Deputy Speakers sa House of Representatives.

Tunghayan ang Eat! Bulaga ngayong Sabado, ika-9 ng Enero, 11:30 ng umaga sa GMA-7.

Leave A Reply

Your email address will not be published.