Abante Tonite Interactive

Joem ayaw magka-baby kahit nakikipag-live in

By
2,601

Nagsasama na sa isang bubong ang Kapamilya actor na si Joem Bascon at ang kanyang girlfriend na si Crisha Uy.

Si Crisha ay isang model, professional make up artist at sa kasalukuya’y matagumpay na blogger.

Aprub daw naman sa partido ni Crisha ang set-up nila.

“Okey naman sa kanila iyong set-up namin. Okey lang naman sila at saka wala naman siyang relatives sa Manila, so magkasama kami,” aniya.

Gayunpaman, wala pa raw sa plano nila ang magka-baby.

“Iyon din ang sinabi noong family side. Siyempre, kasal muna bago magka-baby,” tsika niya.

Hindi naman niya ikinaila na napag-uusapan na rin nila ang pagpapakasal.

“Nagpaalam na ako pero iyon, naghahanda pa ako. Now kasi, sinasagad niya iyong pagba-blog niya. Blogger na nga siya sa Youtube. Eh, ang ganda kasi ng takbo ng career niya. Kumbaga, ituloy muna niya iyong ginagawa niya. Hindi naman namin mapipigilan iyong mga opportunities,” deklara niya.

“Kapag kasi, nag-settle down na kami, si­yempre, ang isip namin, magka-baby na kami. Eh, hindi naman kami, bumabata. I’m 31 and she’s 28,” pahabol niya.

Iba na rin daw ang mindset niya ngayon.

“Sinasagad ko lahat ng trabaho. Hindi naman ako namimili ng work. Lahat, tatanggapin ko. Hindi na rin naman ako bata,” hirit niya.

“Hindi ko nga alam, ganoon pala pag nagkaka-age ka na, nagkakaroon ka pala ng res­ponsibilidad sa sarili mo. Meron ka nang pinag-iipunan. Meron ka nang pinaghahandaan,” dugtong niya.

Papel ng live-in partner ni Paolo ang ginagampanan ni Joem Bascon sa ‘My 2 Mommies’ na showing na ngayon.