Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joem may gustong patunayan kay Willie

0 92

Sobrang thankful and grateful si Joem Bascon kay Willie Revillame dahil sa mga tulong na naibibigay sa kanila ni Meryll Soriano.

“All the time naman po, lagi kaming kinakamusta, lagi kaming binibigyan ng mga advice, ng tulong. So, lagi po akong grateful at ‘yung pag-aalaga niya sa apo niya,” sabi ni Joem sa virtual mediacon ng The Other Wife na ginanap last Sunday.

As we all know ay karelasyon ngayon ni Joem ang anak ni Willie na si Meryll at may baby na sila, si Guido who is 5 months old.

Ayon pa kay Joem, gusto niyang patunayan din siyempre kay Willie na kaya rin niyang ibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

“Gusto ko rin po sana na alam mo ‘yun, bilang isang lalaki, gusto kong mapatunayan na kaya kong ibigay ang lahat sa pamilya ko, kaya kong magtrabaho nang maayos, maibigay ang pangangailangan nila,” saad ni Joem.

Nahingan din ang aktor ng mensahe niya for Willie at aniya, “maraming salamat sa lahat ibinibigay n’yo sa aming tulong, at sana po, maging healthy kasi ang dami niyang natutulungang tao, ang dami niyang napapasayang tao. So ‘yun po, hindi lang po sa pamilya mapagbigay kungdi sa buong Pilipinas, sa mga taong nangangailangan, so dapat in top shape and in good health po siya.”

Samantala, masayang-masaya si Joem at ang dalawang leading ladies niya sa The Other Wife na sina Lovi Poe at Rhen Escano, gayundin ang direktor na si Prime Cruz sa success ng movie. Kasalukuyang number one ito sa Vivamax na isa sa streaming platforms ng movie. Ang gaganda rin ng reviews sa pelikula at sinasabing pwedeng manalo ng acting award ang dalawang aktres.

Jaclyn niresbakan ng direktor

Hindi naman daw masyadong apektado si direk Andoy Ranay sa sunod-sunod na pagsagot sa kanya ng mga taga-Kapuso. Ito’y may kinalaman sa controversial “basura” statement niya.

Matatandaang naging kontrobersyal ang naging pahayag ng Kapamilya director sa isang virtual presscon kamakailan na ang hinala ng marami ay GMA-7 ang pinatatamaan.

SM food to go Banner Ad

Aniya, “aanhin mo ang franchise kung basura naman ang trabaho?”

Sa kanyang Instagram post ay ipinahayag ni Jaclyn kung paano nila pinaghihirapang mga artista ang bawat eksena sa kanilang ginagawang proyekto.

“Kahit ano pagod ginagawa namin makapgbigay ng maganda programa na hindi

( BASURA),” sey pa ni Jaclyn.

Nakausap ni Ogie Diaz si direk Andoy at ayaw na raw magbigay pa ng pahayag ng direktor.

“Di ba, lumabas na rin naman, sinabi naman ni Andoy Ranay na ‘magkumare kami ni Jane, she should know me better,’ sabi niyang ganu’n,” sey ni Ogie sa vlog nila ni Mama Loi.

“Pero nu’ng kausap ko si Andoy Ranay sa phone, sabi niya sa akin, ‘naku mars, okay na, huwag na lang nating pahabain ito. Kung ano ‘yung nasabi ko, ‘yun na ‘yun mars,’” patuloy ni Ogie.

Sinabi rin ng vlogger/talent manager na kung nagsalita nang ganu’n si Andoy, dapat ay handa rin ito sa balik-atake at sey pa niya, “hindi naman siya (direk) masyadong naapektuhan nu’ng kausap ko sa phone.”

Naiintindihan naman daw siguro ni direk Andoy kung saan nanggagaling si Jaclyn kaya hindi na nagsalita pa nang maanghang ang direktor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.