Abante Tonite Interactive

Joem naunahan ni Kiko bilang Frontal Nudity King

1,933

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioPapatol ba tayo kung saka-sakaling si Kiko Matos na ang tanghaling Frontal Nudity King?

Kasi naman, ayon sa sangkabekihang napanood na ang maikling pelikulang You, Me and Mr. Wiggles, go for gold ang pagbuyangyang ng ari-arian ni Matos, huh!

Lalaking may erectile dysfunction ang kanyang katauhan at literal na literal na hirap na hirap si Matos sa pagganap dahil talaga namang literal na tigasin at palaban ang kanyang Portuguese palo-palo.

Abante Hiring – IT dep

Eh, ang maalindog at mapanghalina pang si Elora Espano ang kanyang kapareha, mas lalong hindi naging madali sa kanya ang huwag tigasan. O, lalaban ka pa ba sa ganyang artista.

Ang tanong, si Joem Bascon kaya, nalungkot na tila naunahan siya ni Matos sa Frontal Nudity King title? Sa Cinema One movie kasing Double Twisting, Double Back, not once, but five times niyang binuyangyang ang kanyang penis at in various states of erection raw ito.

Sinimulan ni Kiko Matos. Susundan ni Joem Bascon. Sino pa kayong artistang lalaki ang magiging matapang din na ipakita ang kanilang mga taglay na pambihira?

Kayo, dear Abante Tonite readers, lalo na sa mga bekibel, sino ang gusto ninyong sumunod kina Matos at Bascon?

Mocha, baklang blogger pamperya

Papatulan pa ba natin ang bagong stunt ni Mocha Uson kung saan kasama niya ang baklang blogger sa bidyo na gusto yatang maging millennial mascot?

Ang punto ko lang, kung puro kagagahan at kanegahan naman pala ang kanyang ginagawa, bakit walang sumisigaw sa kanya na, “You are fired!”

Marami na siyang fake news na ikinalat. Sang­rekwa na rin ang galit at poot na ng inihasik. Hanggang kailan pa ito?

Kung lagi ang drama niya ay conduct unbeco­ming of a public servant at may emote pa siya na kusang palo ang kanyang lowest of the low federa­lism bidyo, she does thing in her own volition without even weighing the consequences, ano bang kapangyarihan meron si Uson at ‘di matanggal-tanggal sa kanyang upuan?

At ang kasama niya ngayon, you give being gay and blogging a bad name and reputation. Ikaw ‘yung baklang nagmumura sa isang public transport habang inaaglahi si VP Leni Rob­redo.

Ikaw rin ‘yung baklang kung ano-ano ang pinagsasabi laban sa isang mataray na reporter at the height of the AlDub kasikatan. Ngayon naman, nasa political realm ka na.

Pusali water seeks its own level kaya nang hindi na ako nagtataka na swak na swak kayo ni Mocha.

Kung hanggang kailan kayo magbibida sa perya niyo masquerading as public service, tanging ang Pulis Pangkalawakan lang ang may alam.

Marami pa rin ang nanalig at ‘di nalulupig ang pag-asa na kabutihan, katapatan at katotohanan pa rin ang maghahari sa pinamakadaling panahon.

KC ipinagyabang ang mamahaling relo?

Papatol pa ba tayo sa mamahaling relos ni KC Concepcion? Ang ganitong hindi naman daw sinasadyang ostentatious display of wealth, aspirational, inspirational o pagmamayabang ba?

Parang hindi kapani-paniwala na si Kristina ay may ganitong paandar, hindi ba naman? Although pribelihiyo naman ni Concepcion na magmaganda at magsuplada dahil tunay naman siyang alta, parang ang pagkalathala sa kung magkano ang kanyang relo, parang hindi swak sa imahe niyang charitable at may puso para sa poorest of the poor at mga batang kalinga, kalusugan at pagmamahal ang kailangan?

Ayokong manalig there is a little Imelda inside KC at sa ngayon ay very strong na ang pagpaparamdam nito sa kanyang katauhan kaya manifested na?

Ang mga ganito bang payanig, mas lalo ba siyang magiging mahusay na aktres?
Ang dami tanong, huh! Still, mega daughter KC, how could you do this?