Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joey nagdiwang ng birthday sa simbahan

0 42

Nagdiwang ng kanyang 75th birthday si Joey de Leon sa bahay at simbahan.

Sa Instagram, ibinahagi niya ang larawan habang nasa Christ the King Parish siya sa Quezon City.

“Happy Birthday to me!” caption niya.

Sa isa pang post, ipinakita ni Joey ang super gandang birthday decoration na ginawa para sa kanya ng kanyang pamilya sa bahay.

Nakatanggap naman siya ng regalo mula sa sculptor at painter na si Willy Tadeo Layug.

Isa itong naka-emboss na imahe ni St. Joseph habang karga ang batang Hesus. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.