Abante Tonite Interactive

John ayaw makatrabaho si Mylene

380

Clueless si John Estrada sa balitang nasa GMA-7 na si Mylene Dizon at bahagi ng isang Kapuso teleserye.

Nang uriratin namin siya kung handa na siyang makatrabaho ang aktres, sinabi niyang hindi pa raw siya ready.

Matatandaang nagkaroon ng kontrobersya ang dalawa nang magsama sila sa soap na The Good Son sa ABS-CBN.

May mga tsismis na kumalat noon na nag-take advantage at sinaktan umano ng magaling na actor si Mylene.

Idinenay ito ni John at pinandigan niyang hindi totoo ang akusasyon sa kanya.
Happy naman si John dahil pinagkatiwalaan siya ni Direk Caesar Soriano para gampanan ang buhay ng late Tanauan Mayor Antonio Halili, na pinaslang habang uma-attend ng flag ceremony.

Hanggang sa ngayon ay nanatiling misteryo pa rin ang pagkamatay.

Katunayan, kinarir daw niya ang kanyang role dahil nag-research siya tungkol sa buhay ng ill-fated mayor na ang pa­ngunahing adbokasya tulad ni Digong ay labanan ang droga sa kanilang lalawigan.

Kasama rin sa The Last Interview:The Antonio Halili Story sina Ara Mina, Martin Escudero, Mon Confiado, Yayo Aguila, Noel Comia, Jr. at JM Soriano.