Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John bagong mamahalin

0 221

NI: ROLDAN CASTRO

Kahit pandemya maganda pa rin ang 2020 ni John Arcenas.

Since January ay kaliwa’t kanan na ang mga TV, radio appearances niya. Isa na rito ang kanyang performance sa Letters & Music ng Net25 .Kinanta niya ang kanyang debut single na “A Single Smile” na ang composer ay si Romer Timbreza at si Elmer Blancaflor naman ang arranger.

Bago mag -lockdown nag-guest din siya sa mga concert , corporate show , fiesta at marami pang iba .

Nitong June nagtapos si John ng kursong Architecture sa Don Bosco College- Mandaluyong . Accelerated siya kaya nag-graduate siya sa edad na 19.

Pinasok na rin ni John ang pag arte. Kasama siya sa pelikulang ‘Crazy In Love with You’. Markado ang papel niya bilang delivery boy na eventually magka-crush sa kanya ang bida na si Claire Ruiz.

Sundalo rin ang role niya sa pelikulang ‘Mamasapano’ .

Napanood din si John sa programang ‘I Can See Your Voice’ as Seenger. Si Sam Milby ang naging guest that time .

Goodluck kay John. Sana ay magtuloy-tuloy ang magandang nangyayari sa kanyang career. Siya ang bagong mamahalin at susuportahan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.