John Cena bet maging bodyguard ng BTS

503

Numero unong fan pala ng Korean boy group na BTS ang actor-wrestler na si John Cena. Isiniwalat niya ito kanyang guesting sa “The Late Late Show With James Corden”.

Labis kasing namangha ang wrestler sa success ng grupo bilang kauna-unahang Korean pop band na sumikat sa buong mundo. Dahil sa kanyang curiosity, pinakinggan niya ang mensahe ng kanilang mga hit songs.

Sey niya, “It’s one of self-love and self-reflection and being confident in yourself even though you’re different.”

Bukod sa magandang mensahe ng musika, namamangha rin siya sa magaling na choreography ng grupo at sa kanilang personalities.

Siyempre, sa buong grupo ang paborito niyang miyembro ay sina RM at J-Hope.

Naiinggit nga si John Cena kay January Jones na nakapagpapicture na sa BTS noong nag-guest sila sa show. Hindi pa nga umano pamilyar si Jones sa grupo pero nagulat siya sa dami ng mga security guards nito.

Sey niya, “I saw that they had nine million security guards, so I was like, I better ask for a picture. I put it on Instagram and then I got some stuff.”

Nagbiro pa si John Cena na sinubukan niyang mag-apply bilang bodyguard pero hindi siya pumasa.

Dahil sa revelation ni John Cena ay winelcome siya ng BTS Army sa Twitter. (Ronaline Avecilla)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...