Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John ‘di nagpakabog kay Janno

0 166

NI: ROLDAN CASTRO

KALIWAT Kanan ang mga proyekto ng recording artist – aktor na si John Arcenas. Kamakailan lang nag-guest si John sa noontime show ng Net 25 na Happy Time.

Sa segment ng Janno Gives naging guest si John sa nasabing programa .Talaga namang marami ang humanga sa guwapo at talented na binata.

Unang kinanta niya ang kanyang latest single na “A Single Smile’. Ang naturang kanta ay isinulat ni Romer Timbreza at ang arranger ay si Elmer Blancaflor. Available na ang nasabing kanta sa Spotify at sa iba pang online music platform.

Tapos,naka-duet niya si Janno.Kinanta nila ang isang Basil Valdez classic na “Ngayon at Kailanman”. Kinanta rin nila ang “Fly Me To The Moon” na pinasikat nina Frank Sinatra at Count Basie.

Samantala, isa si John sa mga bagong endorser ng “Erase Beauty Care” .

Ngayon March sisimulan na ni John ang kanyang bagong show via online “The Dadadoos “. Isa siya sa main cast ng children show na ito. Kasama rin siya sa pelikulang “ATE ” with Claudine Barretto.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa upcoming concerts and TV/radio appearance ni John, bumisita sa John Arcenas Facebook page.

Leave A Reply

Your email address will not be published.